(Not edited)
*Oh ayan. Tsk!Kung hindi ko lang talaga kayo mahal eh, hindi ako mag u update ngayon. Eto na...Enjoy reading*
******
-CLOUDEHindi ko na mabilang kung ilang beses akong huminga ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Sobra akong kinakabahan sa mga oras na ito. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na sobra din akong na e'excite. Basta mix emotion, hindi ko ma explain ang nararamdaman ko halo-halo na kasi.
Nakaupo ako ngayon dito sa may waiting area ng airport habang hinihintay ang pag dating ng private plane ni Chase kung saan sya ngayon nakasakay. I looked at my wrist watch at nakita kung meron pa akong 30 minutes na hihintayin bago lumapag ang eroplanong sinasakyan nya. Huminga ulit ako ng malalim.
Halos hindi ako makatulog kagabi dahil sa sinabi nyang uuwi sya ngayon. Kahapun palang ay ang bilis na ng tibok ng puso ko at sobra na din akong kinakabahan.
I was very shocked, happy at medjo may kunting pagtatampo kay Chase yesterday habang kausap ko sya sa cellphone. Nagulat ako kasi dahil hindi ko inaasahan ang tawag nya. After 3 years ay yun pa lang yung unang beses ulit na nakausap ko siya. Kaya hindi ko napigilan ang hindi maging emosyonal at umiyak talaga ako kahapon dahil sobra ko syang na mimiss.
Yung pagtatampo kung naramdaman sa kanya ay dahil yun sa hindi man lang nya nagawang ipaalam sakin kung ano ang nangyayari sa kanya! I have the right to know because I am his boyfriend! I want to be with him. Gusto kung nasa tabi nya ako. BUT no! Pinili nyang huwag magparamdam at ipaalam sakin ang tungkol sa kalagayan nya. Pero ipinaliwanag naman sakin lahat ni Chase kahapon kung bakit it took him 3 years para makausap uli ako. Ayaw nyang masaktan pa ako lalo because he wants me to be safe. Kapakanan ko lang din naman daw ang inisip nya. At saka nawalan din sya ng lakas ng loob para kausapin ako after what happend sa amin ni Vlad. Ayoko ng balikan pa yun I told him and besides tapos na yun. Ang importante ang ngayon.
And lastly masaya ako ngayon dahil sawakas ay makakapiling ko na ulit si Chase. Makakasama na rin namin sya ni Kai. I just hope and pray na this is the start of something new and good for us.
Sana lang talaga at hindi magalit sakin si Chase dahil sa paglilihim ko sa kanya about sa baby namin na si Kai. I was about to tell him but something happend. Vlad came at yun na nagkagulo na ang lahat. Gusto ko sa personal mismo sabihin kay Chase para mas ma explain ko sa kanya ng maayos at para mas maintindihan nya ako. Hindi ko gustong ilihim ang tungkol kay Kai. I love them so much that I would do everything for my family.
Sana lang talaga at maging maayos ang lahat. Alam kung Chase will love our son. I can't wait to see his reaction.
-----
Exactly 3pm ay lumapag na ang private plane ni Chase dito sa airport.
Yung kabang nararamdaman ko kanina ay mas domoble pa ito. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko ngayon. Buti nalang at hindi ko isinama si Kai ngayon dito dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at baka mahimatay pa ako sa kaba.
"Okay Cloude...relax ka lang! Everything will be okay...take a deep breath at huminahon ka" Sabi ko sa aking isipan para pakalmahin ang sarili ko. Nang masiguro kung kumalma na ako kahit papano ay inihakbang ko na ang mga paa ko para salubingin si Chase.
Sobra din ang pagpapasalamat ko ngayon dahil walang mga reporters ang nakapasok dito sa loob ng airport. Mabuti nalang at naharang sila ng mag security dahil ayaw kung dumungin kami ni Chase. Ayaw ko munang malaman ng iba na bumalik na sya. Tanging si Sarah, Mang Gaston lang at ako ang nakakaalam. Saka ko na sasabihan ang iba. Alam ko namang maiintindihan nila ako.
BINABASA MO ANG
LOVE,POSESSION AND OBSESSION (completed)
Romance(bxb) A Love that turn into Posession and then into Obsession .. NOTE: THIS BOOK IS NOT YET EDITED! SO BEWARE sa mga grammatical errors and wrong spellings guys. I'll be editing this book soon. Thank you.