CHAPTER 54

5.8K 270 29
                                    

(Not edited)

As promise ...enjoy reading :)

***

- CHASE (he's back again!)

"I miss you so much baby" Puno ng pangungulila kong sabi sa larawan ni Cloude na nasa aking cellphone. Nakangiti sya dito habang nakatingin sa camera. I remember I was the one who took this picture of him. Kakagaling lang namin sa isang date nito. He was so happy at that time.

I really miss him. I miss him so much that I don't know if I can still live a day without seeing him again. Gustong gusto ko na syang makita at mahawakan. Gustong gusto ko ding sabihin sa kanya na mahal na mahal ko parin siya hanggang ngayon at siya at siya lang ang nanaisin kung makasama habang buhay BUT I'm scared! Natatakot ako sobra sa maaaring mangyari sa muli naming pagkikitang dalawa.

Natatakot ako na baka wala na akong babalikan pa. It's been 3 years at maraming nangyari sa tatlong taon na lumipas na yun. But one thing has not changed and will never change is that I'm still madly,deeply, and crazy in love with Cloude. Hindi ko alam ang gagawin ko pag hindi na sya akin. Paghindi na ako ang laman ng puso nya. Hindi ko kakayanin pag nawala sya sakin. Cloude is my everything. Lahat kinaya ko para sa kanya. I love him so much and that's all I know.

Hindi ko din maalis sa sarili ko ang sobrang pagkaguilty at masaktan dahil sa ginawa ni Vlad sa kanya. Sobra akong galit sa sarili ko dahil dun na hanggang ngayon daladala ko parin. Wala akong nagawa upang ilayo si Cloude sa kanya. I'm so fvcking useless and I hate myself for that.

Hindi ko alam kung pano ko haharapin ang iba lalong-lalo na si Cloude. Hindi ko alam kung tatanggapin pa ba nya ako o kung ako parin ba ang mahal nya. Tatlong taon din ang lumipas kaya hindi ko din naman sya masisisi kung maghanap sya ng iba. He deserve to be happy and even though it would kill me, susubukan kung tanggapin, makita ko lang na masaya siya kahit na kung sakaling hindi na ako ang nagpapasaya sa kanya.

I cried for the first time in 3 years habang tinitignan ang nakangiting mukha ni Cloude. Hinaplos ko ito. "I'm so sorry...sorry for all the things that Vlad had done to you. Sorry kung sobra kang nasaktan dahil sakin. Sorry kung napabayaan kita. Fvck! I miss you mahal ko. Ikaw at ikaw parin ang laman ng pusot isipan ko....at sana ako parin, ako parin sana ang mahal mo...I love you so much baby. Sana mapatawad mo ako sa lahat" Iyak lang ako ng iyak untill sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Sa tatlong taon na lumipas ay marami din ang nangyari sakin. 3 years ago after I woke up from a coma after one month ay kinailangan pang e confine ako sa hospital ng ilang weeks pa. Simula kasi ng magising ako ay lagi na akong tulala at hindi nila makausap. There are times din na sobra akong magwawala na hindi ko alam na nasasaktan ko na ang sarili ko at ang iba. Pag nangyari yun ay walang choice ang mga doctor kundi ang injectionan ako ng pampakalma at kung hindi naman ay itatali nila ako sa aking kamang kinahihigaan. Saka lang ako pinalabas ng makita nilang maayos na ako.

Ilang araw lang din ang lumipas pagkalabas ko sa hospital ng dalhin ako sa rehabelitation center Mom kung saan kailangan kung magparehab para maayos ko ang sarili ko. Hindi naging madali ang pinagdaan ko dun. Vlad would not let me. Ayaw nyang gumaling ako. He did everything para manatili sa katawan ko but I fought hard! Kailangan kung gumaling para kay Cloude. Kaya ginawa ko din ang lahat para maayos ang sarili ko.

It took me two years bago ako lumabas. Pero kahit gumaling na ako ay hindi parin ako umuwi ng pilipinas o kausapin si Cloude. I did everything in my power na hindi muna magparamdam sa kanya o sa kanila. Gusto ko kasi na sa muli naming pagkikita ni Cloude ay maipagmalaki nya ulit ako kaya nagsumikap ako at nagtrabaho ng mabuti dito sa america na naging dahilan para mas lumago at lumawak pa ang aking mga negosyo.

And right now after 3 years ay masasabi kung pwede na akong bumalik. I think I'm ready now.

Finally I'm going home.

******
Ilang ulit akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Ramdam na ramdam ko din ang sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Natatakot ako pero kailangan ko tong gawin. I need to do this.

Tinignan ko ulit ang hawak hawak kung cellphone.

Come on Chase! You can do this! Just press that botton and call him. Come on! Wag kang duwag! Do it! I repeatedly said to myself.

"Okay" Huminga muna ulit ako ng malalim at naglakad sa balcony ng kwarto ko at tinignan ang labas. Ibang-iba ang america sa pilipinas BUT there's no place like home. Mas gusto ko parin sa pilipinas dahil andun yung taong mahal ko.

Agad kung itinapat sa aking tenga ang aking cellphone ng magring ito.

This is it! Just relax Chase.

It took 3 rings bago ito sinagot ni Cloude.

Hindi mapigilan ng mga luha ko sa pagtulo ng marinig kung muli ang boses nya. God I miss him so much. It's been 3 years. Sobrang bilis ang tibok ng puso ko na pakiramdam ko sasabog ito.

Hinayaan ko muna na magsalita sya dahil gusto kung pakinggan ang sya. Kagaya parin ng dati ang boses nya. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

"Uhm...hello?" Pag-uulit ni Cloude sa sinabi nya. Hindi parin ako nagsasalita. Nangpakiramdam ko ay ibababa na nya ito ay nagsalita na ako.

"Baby" Malumanay at may pangungulilang sabi ko sa kanya.

Narinig ko ang pangsinghap ni Cloude sa kabilang linya.
"C-chase...." Mahina at paos na tawag nya sa pangalan ko.

Pinigil ko ang sarili kung mapahagolgol ng iyak dahil dun.

"Y-yes love....I-it's me...I'm sorry if it took me too long to call you...I'm so sorry baby...sorry" Lumuluhang sabi ko sa kanya. Narinig ko din ang paghagulgol ni Cloude sa kabilang linya.

"Why....?Bakit ngayon k-ka lang nagparamdam! Huhu...I-I hate you....I hate you Chase!....But I miss you,please...please umuwi kana!"

Tumango ako kahit na alam kung hindi nya ako nakikita. "I know baby, I know...sssh...I'm sorry ok...I'm sorry. I love you so much and I promise you uuwi na ako so.......

Wait for me to come home"

*****

A/N: Ayan may update na ...kaya wag na kayong magalit. Mahal kayo ni Author. :*

LOVE,POSESSION AND OBSESSION (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon