CHAPTER 2

25.3K 773 6
                                    


-Cloude

Mabilis lang naman kami nakarating sa CXC UNIVERSITY .. Hindi ko pa ba nasasabi sa inyo na si Chase ang may ari ng school na ito? Well ngayon alam nyo na. He's very rich kaya minsan napapaisip ako kung bagay ba talaga kaming dalawa? Mahirap lang ako at mayaman sya. Lahat ng gugustuhin nya makukuha nya agad samantalang ako kailangan ko pang magtrabaho para lang makabili ng mga bagay na kailangan ko/namin.

Nahihiya na din ako kay chase kasi ang dami na nyang naibigay samin ni lola. Sobra sobra na nga eh. Kaya naman dumadating sa punto na aawayin ko sya dahil sa mga bagay na binibigay nya na hindi ko naman kailangan. Baka kasi sabihin pa ng iba na piniperahan ko sya kahit hindi naman. Alam mo ang ibang tao iba kung mag-isip.

"Babe .. U-uhm dito nalang ako baba" Medjo kinakabahan kung sabi sa kanya. Agad namang napakunoot ang kanyang noo at seryosong tumingin sakin pagkatapos nyang ihinto ang sasakayan malapit sa gate ng school namin.

"No!" Matigas na sabi ni chase. Napabuntong hininga ako. Ito nanaman po kami.

"Chase .. ayaw ko lang kasing pag-usapan ka nanaman nila because of me. Alam mo naman diba na ang init ng dugo ng mga fans mo sakin" Pagpapaliwanag ko.

"Wala akong pakialam kung anu man ang sasabihin nila tungkol sakin. They can talk whatever they want as long as wag ka lang nilang sasaktan ulit gaya ng ginawa nila sayo dati! Pasalamat sila at yun lang ang ginawa ko sa kanila. I can do so much better than what i did to them before!" Galit na sabi ni chase.

Naalala ko yung dati na lagi nalang ako pinagtritripan ng ibang mga estudyante sa CXC. Tatapunan nalang ako ng kahit na anu, Pagtatawan, Itatago ang mga gamit ko at minsan i lalock ako sa cr kundi naman sa loob ng classroom. Lahat ng yun ay hindi ko sinabi kay lola at kay chase. Kahit na kating kati na ang mga kaibigan namin ni chase na sabihin yun sa kanya ngunit nakiusap ako sa kanila na wag ng sabihan sya dahil baka kasi magkagulo lang. Iba pa naman kung magalit si chase. He's really scary.

Pero hindi talaga ako tinigilan nung mga ng trip sakin hanggang sa umabot na sa nasasaktan na nila ako physically. Galit sila sakin kasi hindi nila matanggap na isang chase xander collins ang pumatol sa isang baklang mahirap na kagaya ko. Nung nalaman ni chase lahat ng ginawa nila sakin sobra talaga akong natakot sa kanya nun. Ngayon ko lang nakita kung panu magalit ng sobra sa chase nun. Kung hindi nya pinapahirapan binubogbog naman nya. Pati mga babae napagbuhatan nya ng kamay ng mga oras na yun. Umiyak ako at nakiusap na tumugil na sya kasi ayoko kasi ng nakikita ko. Naaawa ako sa kanila kahit na lagi nila akong binubully. Pagkatapos nun ay tumigil na sila sa panggugulo sakin. Pero hindi parin nakakaligtas sakin ang mga bulong bulongan nila at mga masasamang tingin na ibinibigay sakin. Haixt.

"Sorry .. Iniisip lang naman kasi kita eh. Wag kanang magalit oh" Paglalambing ko sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.

I heard him sigh. "Hey.. hindi ako galit sayo okay? Ayoko ko lang kasi na masaktan ka. Bahalang ako wag lang ikaw and please kung may mang-aaway nanaman sayo,tell me baby please so that i can protect you" He said then kiss the back of my hand.
I smile at him at inaya na syang pumasok sa loob ng school.

Pagkatapos nyang e parked ang kanyang kotse ay hinawakan nya ang aking kamay at sabay na kaming naglakad papuntang classroom ko. Tapos ng mag-aral si chase nag mamanage na sya ngayon ng kanyang mga negosyo at itong school. Binabantayan nya daw ako baka kasi may gawin na naman ang mga nambully sakin dati ng masama. Sinabihan ko naman sya na hindi na pero sadyang matigas ang ulo ni chase eh. Di papigil. Hehe!

Habang naglalakad kami papunta sa classroom ko ay dinig na dinig ko ang mga bulongan nila na hindi maganda pati na din ang mga masasamang tingin na ibinibigay nila sakin. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni chase.

"Just don't mind them baby" Bulong nito sakin ng nakangiti. Tumango ako at saka ngumiti. Nang nasa harap na kami ng classroom ko ay pinaharap nya ako sa kanya at hinalikan ang aking noo pababa sa aking mga labi. Ugh! Namula ako dahil dun. Ang dami kasing nakatingin!

"I love you.. mag-iingat ka ah? E txt mo nalang ako after class and baby bawal------"

"Bawal makipag usap sa mga lalaki at sumama kahit kanino" I cut him off ng nakasimangot. Psh! Posessive talaga!

"Goo----" pero hindi na natapos ni chase ang sasabihin ng...

"CLOUDE!!"

Patay!

LOVE,POSESSION AND OBSESSION (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon