SA UMPISA LANG MASAYA
Ni Wence BenteotsoSabi nila sa umpisa lang masaya.
Habang ako'y nakikinig ng mga tagos sa puso na mga salita, na medyo naluluha na ang aking mga mata, dahil bawat katagang inilalabas nila mula sa kanilang bibig ay tumatagos sa aking puso.
Katulad nung unang araw na sinabi mo sa akin na mahal mo ako.
Na tumagos din sa aking puso at naramdaman kong ito ay totoo.
Totoo kasi ramdam ko sa bawat kilos mo.
Ramdam kong mahal mo ako.Sa umpisa ng aking pakikinig ako'y natutuwa dahil sa galing nilang gumawa at magsalita.
Parang tayo nung una,
ramdam ko pa ang saya,
ramdam ko pa ang pagmamahal mo.
Sa bawat bigkas mo na mahal kita ramdam kong ito ay totoo.
Ramdam ko ang saya.
Ramdam ko ang pagmamahal mo sa akin.Sa dulo ng aking pakikinig,
Nandoon na ang sakit.
Nandoon ang pinakamasakit na bahagi ng kanyang kwento.Parang sa ating dalawa,
Ramdam ko na ang sakit.
Sakit na habang tumatagal nawawala na ang tamis ng mga salitang sinasabi mo sa akin. Lahat ng pinaramdam mo noong unang naging tayo ay hindi na ganon ngayon.
Hindi ganon ngayon,
sapagkat hindi ko na maramdaman ang pagmamahal mo.
Hindi na kita maramdaman.
Oo hindi ko na maramdaman ang pagmamahal mo.Sabi nila sa umpisa lang masaya.
Sa umpisa nga lang ba talaga masaya.
Sa umpisa nga lang ba tayo naging masaya?Ayokong ibase sa isang hugot line na
nabasa ko,
na ang pagmamahal daw ay parang isang kape na kapag pinabayaan ito ay lalamig.
Dahil sa aking mga nagawa alam kong ikaw ay hindi ko pinabayaan,
ngunit bakit ikaw ay bigla na lamang nanlamig sa akin.
Kung sakali bang ang kape ay haluan ko uli ng mainit na tubig at timplahan muli ito para maibalik ko ang init at sarap nito ay pwede na rin bang bumalik ang nanlamig mong pag ibig
kung gagawin kong muli ang mga bagay nung tayo ay nauumpisa pa lamang.Nasaan na nga ba ang init ng ating pagmamahalan.
Nasaan na nga ba ang saya,
nung unang naging tayo.
Nasan na ba ang lahat ng mga ngiti sa tuwing magkasama tayo.
Nawala na ba ang lahat?
Pati ba pagmamahal mo ay nawala na rin?Ako nalang ba umaasa na magiging maayos pa ang lahat?
Ako nalang ba ang kumakapit sa atimg relasyon?
O ako nalang ang hinihintay mo para tapusin ang lahat lahat sa atin?Pero hindi.
Hindi ako susuko.
Hindi ako susuko katulad ng iba,
Na sumuko agad at nagsisi sa bandang huli.
Hindi ako mapapagod,
Hinding hindi ako mapapagod.
Dahil sabi nila ang tunay na nagmamahal hindi kailanman mapapagod para sa taong mahal nila.Kakapit ako,
Kakapit pa rin ako.
Oo kakapit ako.
At Sa pagkapit ko,
Ako ay umaasa na ang lahat ay maayos pa.
Lahat ay maayos pa sa ating dalawa.Ayokong matapos ako dito sa aking ginawa,
Na hanggang katapusan ng aking pagsusulat ay may malungkot na wakas.
Katulad ng pagmamahal ko sayo na ayaw kong wakasan ang ating kwento na puno ng sakit at kalungkutan.
Ayokong ang maging kwento nating dalawa ay
Ay masasabing sa umpisa lang naging masaya.Sa umpisa lang masaya.
Pero para sayo ibabalik ko ang lahat para hanggang sa dulo ng aking pakikipaglaban masasabi ko nawala man minsan ang saya
Naibalik ko naman ito.
Naibalik ko ang sayang nawala,
Naibalik ko ang init na unti-unti ng lumalamig
At higit sa lahat naibalik ko ang pagmamahal na unti unti ng nawawala.Lalaban ako...
Oo lalaban ako...
Dahil mahal kita..
Mahal n mahal kita...
gagawin ko ang lahat huwag ka lang sa akin ay mawala.
Gagawin ko ang lahat dahil mahal kita.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD - TAGALOG
Poetry"Hanggang umpisa nga lang ba talaga masaya ang isang relasyon?" "Paano ka ba magmahal? Kaya mo bang isugal ang puso mo para sa taong mahal mo?" " Kahit anong gawin ko, hindi na maibabalik ang dating tayo."