PAGSUGAL SA PAG-IBIG
Ni Wence BenteotsoAlam mo ba na ang pag ibig ay parang isang sugal,
Ang pagkakaiba lang hindi pera ang kailangan mong itaya.
Ang itataya mo ang puso mo at nararamdaman mo.Sa sugal na pera ang pustahan,
Bulsa mo lang ang mawawalan.
Pero sa sugal na ang nakapusta ay ang pagmamahal mo,
Puso mo ang masasaktan.Kung gaano karami ang mga sumusugal pagdating sa pera,
Ganon din karami ang mga sumusugal pagdating sa pag-ibig.
Kaya marami pa rin ang nasasaktan,
marami pa rin ang luhaan,
Marami pa rin ang mga pusong sugatan.Sa sugal na pera ang usapan mahirap malaman o maramdaman kung mananalo
ka ba o hindi.
Hindi katulad na kapag ang sinugal mo
ay ang puso mo para sa taong mahal mo,
ramdam mo at malalalaman mo
na may laban ka pa.Katulad ng sugal,
ang iba diskarte ang ginagamit.
Kapag alam nilang talo na sila aayaw na yan,
Ang iba naman alam na nilang talong talo na sila at wala ng natitira sa kanila
sige pa rin kahit alam nilang marami ang mawawala sa kanila .Sa sugal sa pag ibig,
Kailangan mo ring gamitan ng diskarte
hindi puro puso lamang.
Kung alam mong sa bandang huli may patutunguhan ang pagsugal mo sa taong mahal mo
sige lang, mararamdaman mo nman yun.
Kung alam mong talo kana
at wala ng patutunguhan
ang pagsugal mo sa isang tao,
tama na, tigilan mo na.
Huwag mo ng hayaang sumugal ka pa,
kasi sa bandang huli ikaw lang din ang masasaktan,
ikaw lang din ang mahihirapan.Hindi naman ibig sabihin ng pagtigil
mong sumugal,
eh hindi mo mahal yung tao na yun.
Ginamitan mo lang ng diskarte at utak,
dahil alam mo rin naman sa sarili mo kung pipilitin mo isugal ang lahat sayo,
walang matitira.
Dahil hindi madali ang sumugal
lalo na kung ang pinag uusapan ay ang puso at itinaya mo ang buong pagkatao mo.Puso at utak ang ginagamit.
Hindi pwedeng puso lang.
Kailangan mo rin gamitan ng utak.
Dahil ang pagsugal ay walang kasiguraduhan,
Walang kasiguraduhan
kung mananalo ka ba o matatalo ka.
Kaya bago ka sumugal,
bago mo isugal ang puso mo.
Pakaisipin mo munang mabuti,
Kung uuwi ka bang masaya o
Uuwi kang luhaan at sugatan.
Uuwi kang panalo
O uuwi kang talunan.Kaya sa sugal na ang pinag uusapan ay puso,
Kaibigan gamitan mo ng utak.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD - TAGALOG
Poetry"Hanggang umpisa nga lang ba talaga masaya ang isang relasyon?" "Paano ka ba magmahal? Kaya mo bang isugal ang puso mo para sa taong mahal mo?" " Kahit anong gawin ko, hindi na maibabalik ang dating tayo."