PARA SA TAONG SOBRA KONG MINAHAL

231 0 0
                                    

PARA SA TAONG SOBRA KONG MINAHAL
# 107 📝

-Open Letter-

No'ng una tayong magtagpo sa grupo na aming binuo,
ako ang una mong binanggit sapagkat ako ang unang tumatak sa 'yo,
dahil sa una mong pagpasok sa aming munting bahay ay ako... ako ang unang sa 'yo ay pumansin.

Naaalala mo pa ba,
sa akin ka nagpagising dahil sabi mo maaga ka dapat sa paliparan.
Hindi ko alam bakit gano'n na lang na sinunod kita at hinintay ko ang oras ng sabi mo ikaw ay aking gigisingin.
Nagkausap pa tayo bago ang oras ng iyong paglipad pero pagkatapos no'n hindi na tayo muling nagkausap.
Ilang araw din ang lumipas nang maisipan kong sa 'yo ay mangumusta.
Wala sa plano, ni wala sa aking isipan basta alam ko naghahanap ako ng makakausap.
Sa bilis ng pangyayari, sa mga biruan bigla ang lahat sa akin ay naging totohanan. Sa isang iglap bigla na lamang akong naguluhan at nahulog sa 'yo.

Alam mo bang mula ng aking naramdaman ito,
lagi kong sinasabi na sana ikaw na.
Sa apat na buwan na tayo ay magkakilala, para sa akin taon na ang binilang at marami na tayong masayang alaala.
Hindi ko nga namalayan na buwan pa lang pala tayong magkakilala kasi para na akong nagbilang ng taon sa sobrang kampante ko sa 'yo.

Sa una nating pagkikita,
akala ko hanggang box lang ang damdamin ko, pero mali ako dahil sa pagtatagpo ng ating mga mata naramdaman ko na mahal na mahal pala talaga kita.
Sa mga araw na dumaraan mas lalo pa kitang minamahal.

Ikaw ang pangarap na nais kong matupad.
Ikaw ang taong nais kong pag-alayan ng walang hanggang pagmamahal.
Ikaw, tanging ikaw ang nais kong makasamang bumuo ng masayang relasyon at pamilya.
Ikaw, ikaw ang taong bigla kong minahal at ikaw na rin sana ay huli na aking mamahalin.

Sa pagtatapos nito,
nais kong malaman mo...
nandirito lang ako para sa 'yo.
Hanggat ikaw ang laman ng puso ko,
hanggat ikaw ang minamahal ko
tandaan mo mananatili ako sa 'yo.

Wala man kasiguraduhan ang lahat
sa 'yo, hayaan mong ako na ang manigurado na ikaw ang lahat sa akin.
Mahal na mahal kita at 'yan ang magsisilbing panghawakan mo para hindi mo makalimutan ang daan pabalik sa akin.

- Wence Benteotso

SPOKEN WORD - TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon