HINDI NA MAIBABALIK ANG TAYO
Ni Wence BenteotsoHanggang kailan ko mararamdaman ang sakit?
Hanggang kailan ba ako iiyak sa tuwing ika'y naiisip?Sa bawat gabing dumarating,
Lagi kong nasa isip ikaw ang kapiling.
Sa bawat umagang sisikat,
Nais ko ikaw ang makita sa aking pagmulat.Ngunit alam kong ito'y hindi na mauulit,
Sapagkat lumisan ka ng paulit-ulit.
At sa huli mong paalam ika'y hindi na masaya, kaya sayo ay ibinigay desisyon kung saan ka sasaya.Paalam mahal, ang huli kong masasabi,
Sapagkat ayoko ng ipilit sayo ang sarili.
Tangi kong nais iyo sanang makita
Sayang hinahanap na sa akin ay hindi mo nakita.Kahit may AKO,
Kahit may IKAW,
Hindi na maaaring magkaroon pa ng TAYO.
kailangan ng tanggapin na wala ng TAYO.sana isang araw ako ay maalala pa rin,
Na may isang taong nagmahal sayo at nagpahalaga.
Huwag mo sanang kalimutan,
Ikaw ay minahal ko ng higit pa sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD - TAGALOG
Poetry"Hanggang umpisa nga lang ba talaga masaya ang isang relasyon?" "Paano ka ba magmahal? Kaya mo bang isugal ang puso mo para sa taong mahal mo?" " Kahit anong gawin ko, hindi na maibabalik ang dating tayo."