TAPOS NA ANG PAGIGING BIDA MO SA PUSO KO

1.3K 12 1
                                    


TAPOS NA ANG PAGIGING BIDA MO
SA PUSO KO
ni Wence Benteotso

Hindi pa tayo tapos
Bakit tila kay higpit na ng kanyang yapos.
Sa kinatatayuan para akong ginapos,
Natulala at hindi makakilos.

Ramdam pa rin ang bawat sakit,
Nasa puso pa rin ang hinanakit.
Sa isipan hindi pa rin mawaglit
Ng aking makita ang taong sa aki'y pinalit.

Hindi ko maisip ano bang nagawa
Bakit bigla ika'y naghanap ng iba.
Sa aki'y hindi na ba masaya?
Kaya nagawa mong ipagpalit sa kanya?

Sana sinabi mo na lang na tapos na tayo,
Para hindi ako umaasa na ikaw pa rin at ako.
Kung hindi pa nakita ng dalawang mata ko,
Mananatili akong umaasa at naghihintay sayo.

Kailan lang sinabi mo ako lang sa puso mo,
Hindi mo kayang mawala ako.
Ngunit bakit bigla na lamang naglaho
Mga matatamis na salitang sinabi mo.

Sana hindi mo na lamang ako pinaasa,
Sana hindi mo na lamang ako pinaniwala.
Ang sakit lang kasi, dahil sobra akong umasa.
Umasa sa salitang ako lang at walang iba.

Diba ang sakit! Ang sakit ng ginawa mo,
Ang galing mong makipaglaro.
Ang galing mong umarte sa harap ko,
Nagmistulang bida sa kwento.
Kahit ang totoo,
Ikaw ang kontrabida sa istoryang ito.
Bigla na lamang nagbago,
Bigla na lamang lumabo
Hanggang sa tuluyang ika'y naglaho.

Ngayon ang lahat ay malinaw na,
Tapos na ang lahat sa ating dalawa.
Ayoko ng mag-aksaya pa ng luha,
Ayoko ng umiyak sa saliw ng musika,
Ayoko ng isipin ka pa
O kahit anong alaala nating dalawa.

Sobra man akong nasaktan sayo,
Hindi ito ang katapusan ng mundo
At lalong hindi ito ang katapusan ng buhay ko.
Ito ang masisilbing simula ko,
Sa panibagong buhay na kakaharapin ko
At sa panibagong pag-asa na darating sa buhay ko,
Sa buhay ko na iyo lamang ginulo.

SPOKEN WORD - TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon