ANO NGA BA ANG DAPAT PARA MAGING SAPAT

1K 6 0
                                    

ANO NGA BA ANG DAPAT PARA MAGING SAPAT?
ni Wence Benteotso
#82

Minsan makakaramdam tayo na parang isang kandila—unti unting nauubos.
Minsan maiisip natin na wala naman tayong super powers para tanggalin ang lahat ng sakit.
Hindi tayo super human,
kasi nakakaramdam tayo ng pagkapagod.

Sabi nila kapag mahal mo,
hindi ka mapapagod.
Sabi nila kapag mahal mo,
lahat gagawin mo.
Sabi nila kapag mahal mo,
malawak ang pang-unawa mo.

Kapag mahal mo, hindi mo susukuan.
Gano'n ba talaga?
Dahil sa mahal natin...
kailangan kahit sobrang sakit na—
ngingiti ka pa rin,
kahit paulit ulit na,
tatanggapin mo pa rin.

Paano kung napagod na ako?
Ibig bang sabihin hindi ako totoo sa nararamdaman ko?
Paano kung nakakaramdam na ako
ng pagsuko?
Ibig bang sabihin hindi ko siya totoong mahal.

Sabi nila huwag daw akong susuko,
sabi rin ng puso ko huwag akong sumuko.
Ano ba ang dapat sundin?
ang puso na nagsasabing lumaban pa
kahit paulit-ulit ang sakit na nararamdaman
O ang utak na nagsasabing tama na,
mahalin mo ang sarili mo.

Hirap di ba!
kasi... kahit gusto mong sundin ang puso mo, nagpupumiglas na ang utak mo.
Utak na ang nagdidikta at nagpapaalala ng lahat ng masasakit na nangyari.
Pero ang puso kahit gaano pala kalalim ang sugat—titibok pa rin ito sa taong mahal mo.

Pero minsan nakakasawa nang pakinggan ang puso?
kahit alm mong nasasaktan ka na—
sige pa rin ang tibok nito para sa kanya.

Ano nga ba ang dapat gawin?
Alin ba ang dapat sundin?
Ano nga ba ang dapat para maging sapat?
Basta alam ko lang at gusto ko...
isang maayos at masayang relasyon.
Hindi naman ako naghahanap ng isang perpektong tao o perpektong relasyon,
maging tapat lang sa lahat at sa akin—
sapat na sa akin upang ako'y manatili.
Manatili at manindigan para sundin
ang pusong nagmamahal.

SPOKEN WORD - TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon