PUSO O UTAK

1.8K 16 0
                                    

PUSO BA O UTAK?
Ni Wence Benteotso

Minsan makakaramdam tayo
na parang isang kandila.
Unti unting nauubos.

Minsan maiisip natin,
Na wala nman pala tayong super powers,
Para tanggalin ang bawat sakit.

Hindi tayo super human,
Kasi nakakaramdam tayo ng pagkapagod.

Sabi nila kapag mahal mo,
Hindi ka mapapagod.
Sabi nila kapag mahal mo,
Lahat gagawin mo.
Sabi nila kapag mahal mo,
Iintindihin mo.
Kapag mahal mo, hindi mo susukuan.
Ganon ba talaga,
Dahil sa mahal natin.
Kailangan kahit sobrang sakit na
Ngingiti ka pa rin.
Kahit paulit ulit na,
Tatanggapin mo pa rin.

Eh paano kung napagod na ako.
Ibig bang sabihin hindi ako totoo sa nararamdaman ko.
Paano kung nakakaramdam n ako na gusto ko ng sumuko.
Ibig bang sabihin hindi ko siya totoong mahal.

Sabi nila huwag daw akong susuko.
Sabi din ng puso ko huwag akong sumuko.

Ano ba dapat ang sundin,
ang puso na nagsasabing lumaban pa kahit paulit ulit ang sakit na nararamdaman.

O ang utak na nagsasabing tama na
Mahalin mo ang sarili mo.

Hirap diba!
kasi kahit gusto mong sundin ang puso mo, ngpupumiglas na ang utak mo.
Utak na ngdidikta at ngpapaalala ng lahat ng masasakit na nangyari.
Pero ang puso kahit pala gaano kalalim ang sugat titibok pa rin ito sa taong mahal mo.

Pero minsan nakakasawa nman kasing pakinggan ang puso, kahit alm mong nasasaktan kana sige pa rin ang tibok.

Gulo diba!
PUSO ba o UTAK?
Basta alam ko lang at gusto ko.

Isang maayos at masayang RELASYON.
Hindi naman ako nghahanap ng isang perpektong tao o perpektong relasyon.
Maging tapat lang sa lahat at sa akin
Sapat na sa akin yun.

SPOKEN WORD - TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon