HULING PAKIUSAP KO
ni Wence Benteotso
#81 📝PAKIUSAP—
Ibigay ang sandaling ito,
para maisip bakit nga ba tayo nagkaganito.
Sa isipan maraming gumugulo,
kaya't sana naman bago maglaho
ang natitirang pagmamahal mo—
unawain at intindihin ang pakiusap ko.Maaari bang ipikit ang mga mata,
alalahanin ang masayang sandali nating dalawa—
kung paano tayo nag-umpisa
at minahal ang isa't isa.Bago mo sana hawakan ang kanyang mga kamay,
maaari bang isipin mo, na bago siya—
ako ang iyong unang naging karamay.
Hinawakan ka ng mahigpit,
mga kamay mo sa akin lang nakakapit.Bago mo siya tingnan ng malagkit,
maisip mo sana, na bago siya—
sa aking mga mata ay ikaw ang siyang kaakit-akit.
Pag-ibig mo'y aking nakamit
at ito ay aking pinahalagahan nang walang pilit.Bago sana dumampi sa kanya ang iyong labi,
maaari bang isipin mo muna sanang mabuti—
kung hindi siya mapagkunwari.
Dahil no'ng naglapat ang ating mga labi,
sa puso ko—ganap na kitang pag-aari.Bago mo sana sambitin ang mahal kita,
pakiramdaman mo muna sana—
kung sa puso mo siya na ba talaga.
Sa akin kasi... isa itong sagrado,
na dapat sinasabi sa taong pag-aalayan mo
ng iyong puso.Bago ka sana sa kanya ay tumabi,
nais ko lang sanang isipin mo ako kahit sandali.
Isang minuto para isipin mong maigi,
na ako ang taong hindi ka iniwan sa isang tabi—
minahal ka ng walang pasubali.Sana hindi ka nagkamali,
sa taong iyong pinili.
Sana hindi siya makasarili
at sa 'yo sana siya ay manatili.
Dahil kung ang lahat ay isa lamang pagkakamali,
panigurado iiyak ka sa isang tabi.Kung handa ka na—
na muling buksan ang puso sa kanya,
wala na akong magagawa ka pa,
kundi lubusang intindihin ka.Sana isang araw maalala mo pa,
ang taong minsa'y minahal ka.
Sa paglalayo ng landas nating dalawa,
hangad ko pa rin na sana...
sana pahalagahan at mahalin ka—
nang higit pa sa aking mga ginawa.Sa paghakbang palayo ng aking mga paa,
hindi na rin ako aasang babalik ka pa.
Magsisimula akong muli sa umpisa
at magiging masaya kahit wala ka na.(Add or follow me in my fb acc for more hugot and poetry)
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD - TAGALOG
Poetry"Hanggang umpisa nga lang ba talaga masaya ang isang relasyon?" "Paano ka ba magmahal? Kaya mo bang isugal ang puso mo para sa taong mahal mo?" " Kahit anong gawin ko, hindi na maibabalik ang dating tayo."