SIYA ANG NAUNA AT AKO ANG MAGPAPARAYA
ni Wence Benteotso
#42 📝Dumating ka sa buhay ko—
na wala ng kayo.
Hindi man legal ang tayo,
pinapasok pa rin kita sa aking mundo.
Wala na rin naman maghahabol sa 'yo,
kasi sabi mo matagal na kayong malabo.
Hinayaan ko ang puso ko
dahil ito rin naman ang aking gusto.Ayokong sa mga mata ko'y mabakas,
mga takot na nagpupumiglas.
Taon na ang lumipas,
heto tayo— nagbibilang pa rin nang bukas.
Binaon sa limot ang iyong nakalipas,
pinasaya ang bawat oras.
Mahal kita ang bawat bigkas—
na nagbibigay sa akin ng lakas.Bumuo nang pangarap
sa ating hinaharap.
Nakatingin sa ulap—
habang ako ay kayakap.
Nakaraan mo ay aking tinanggap,
kahit sa iba tayo ay hindi katanggap-tanggap.
Hindi alintana mga balitang nasasagap,
basta masaya tayo at tila nasa alapaap.Ngunit sa hindi inaasahan,
dumating na nga ang kinatatakutan.
Ang taong na sa iyong nakaraan
ay muli kang binabalikan.
Ano ang aking laban,
kung siya'y may pinanghahawakan.
Anong silbi ng aking pagkikipaglaban,
kung sa huli siya rin ang pakikisamahan.Ako na ang magpaparaya
dahil ako ang wala sa tama.
Relasyong kumplikado—
akin ng tutuldukan sa dulo.
Kahit mahal pa natin ang isa't isa,
hindi pa rin tayo maaaring maging isa.
Salamat sa lahat ng alaala,
sa mga araw na ako'y napapasaya.
Kaya ipikit ang iyong mga mata,
upang paghakbang ko'y hindi mo na makita.
Masakit man sa ating dalawa—
ngunit wala na tayong magagawa.
Ang mali ay kailangan ng itama
at ito ang tapusin ang lahat sa ating dalawa.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD - TAGALOG
Poetry"Hanggang umpisa nga lang ba talaga masaya ang isang relasyon?" "Paano ka ba magmahal? Kaya mo bang isugal ang puso mo para sa taong mahal mo?" " Kahit anong gawin ko, hindi na maibabalik ang dating tayo."