NAGHIHINTAY KA RIN BA SA WALA?

2.3K 17 1
                                    

NAGHIHINTAY KA RIN BA SA WALA?
Ni Wence Benteotso
#49 📝

Masasabi mo bang pagmamahal pa rin ang paghihintay?
O ginagawa na lamang nating tanga ang sarili natin sa isang taong wala ng kasiguraduhan kung babalik pa.
Hahayaan mo na lang bang naghihintay ka sa mga bagay na imposible ng mangyari?

Mahirap maghintay sa isang bagay na wala ng kasiguraduhan.
Mahirap mghintay kung ang taong hinihintay mo masaya na sa iba
O masaya na sa buhay n'ya na wala ka.
Nahihirapan ka na, nasasaktan ka pa!

Ngunit bakit naghihintay ka pa rin?
Mahal na mahal mo kaya hinihintay mo?
Kasi..
Siya ang bubuo sa mga kulang na hinahahanap mo sa buhay mo?
Siya ang taong alam mong sasaya ka sa piling n'ya?
Kaya kahit mahirap pinipilit mong maghintay,
kahit nasasaktan kana, okay lang!
Kahit wala ng kasiguraduhan pilit ka pa rin
na umasa.
'Yong pagmamahal na dapat mo ng kalimutan pilit mong tinatago sa puso mo.
Kasi mahal mo,
kasi umaasa ka na babalik pa,
paano kung hindi na talaga s'ya babalik?
Ikaw na lang mismo ang nag iisip na— madudugtungan pa ang lahat sa inyo.
Ikaw na lang ang nakatayong naghihintay,
kahit alam mo sa kinatatayuan mo hindi mo na siya matanaw,
O kaya naman natatanaw mo man s'ya pero hawak na ng iba.
Maghihintay ka pa ba?
Aasa ka pa ba?
O tatanggapin mo na lang ang katotohanang hindi na siya babalik pa.

Tatayo ka p rin ba at maghihintay kahit alam mong masaya na s'ya sa iba?
Humakbang ka na palayo...
Iwan mo na ang lahat ng natitirang pag-asa d'yan sa puso mo.
Lumakad ka na at unti-unti mo ng pakawalan ang pagmamahal mo para sa kanya.
Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo,
para makawala sa nakaraan na pilit mong binibigyang pag-asa na madudugtungan pa ang lahat sa inyo.
Tama na ang paghihintay mo...
sa wala.

SPOKEN WORD - TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon