NAGMAHAL AT NASAKTAN KANA BA?

2.1K 17 0
                                    

NAGMAHAL AT NASAKTAN KA NA BA?

Para sa mga nagmahal at nasaktan

Hindi naman natin alam kung kailan tayo masasaktan kapag nagmahal tayo.
Hindi rin natin alam na 'yong dumating,
iiwan din pala tayo.
Kailangan lang talaga nating sumugal,
kahit alam mong sa bandang huli pwede
kang matalo.

Ganon naman talaga diba!
Pagmahal natin,
susugal at susugal tayo.
Itataya natin lahat para lang sa taong mahal natin.
Bakit?
Kasi mahal natin,
umaasa tayo na baka 'yong taong ito
Siya na pala ang nakatadhana sa atin —
Siya na 'yong tamang tao,
Siya na 'yong taong makakasama natin hanggang sa huli.

Paano naman kung siya pala yung taong mananakit sa atin.
Sa kabila ng lahat iiwan din pala tayo
at sasaktan.
Kailangan nalang nating tanggapin,
na lahat ng bagay kung hindi nakalaan sayo... mawawala ito.

Masakit kasi nagmahal tayo,
Umiyak kasi naging masaya tayo,
Natalo kasi sumugal tayo...
Pero sa kabila ng lahat —
kahit gaano pa kasakit lahat ng nangyari,
kahit ilang tao pa ang nanakit sa atin,
kahit sabihin pa nating sarado na puso natin, Mayroon pa rin darating na tamang tao
na mag aalis ng lahat ng sakit.
Magbabalik ng lahat ng nawala sayo at magbubukas ng sinarado mong puso.

Lahat ng nangyayari sa atin may dahilan.
Hindi man natin makuha ang sagot sa lahat,
Sana makakuha tayo ng lakas para harapin muli ang bukas na masaya.

Isipin mo nalang,
Kung sa TAONG NANAKIT sayo
minamahal mo at naging masaya ka,
paano pa kaya yung tamang taong nakalaan para sayo.
Kaya huwag mong hayaang maging bato
ang puso mo,
Huwag mong hayaan na isarado ang puso mo
nang bawat sakit.

Mula sa pagkadapa,
Tumayo ka!
Mula sa sakit,
Matuto ka!
Mula sa lungkot,
Magpakasaya ka!
Dahil hindi dito nagtatapos ang kwento
ng buhay mo,
Kundi ito ang bagong simula
At bagong kabanata ng buhay
na uumpisahan mo.

SPOKEN WORD - TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon