AYOKO NG MAKIPAGLARO
ni Wence Benteotso
#70 📝"Pagbilang ko ng Sampu nakatago na kayo".
Sarap balikan yung panahon na ito,
kung saan tagu-taguan at habulan ang laro.
Hindi alintana ang pagod sa paghahanap mo sa iyong kalaro,
hindi alintana ang bawat sugat na dala nang iyong pagtakbo.
Akala mo tapos na ang laro sa buhay mo,
hindi mo alam mas may sasakit pa pala sa larong pambata— ito ay ang paglaruan ang iyong puso.
Halika! balikan natin ang mga larong ating ginawa,
noong bata pa tayo...
hanggang sa tumanda na tayo.Tara! Umpisahan na natin ang laro—
Magtagu-taguan tayo,
ako ang taya... ikaw ang siyang hahanapin ko.
Galingan mo ang pagtatago
para hindi ka kaagad mabuko.
Maglalaro tayo hanggang sa gusto mo,
hanggang sa mapagod tayo
at tuluyan nang huminto.Ano pa bang alam mo?
Langit-lupa iyo bang gusto?
para maghahabulan na naman tayo—
magaling ka dito,
hindi nga kita mahabol sa pagtakbo.
Ang galing mo kasi sa larong ito,
lagi na lang akong natatalo
dahil 'yong hinahabol ko...
parang bulang naglalaho.Nakakapagod... pero hindi ako susuko,
kaya ko pang makipaglaro
baka sakaling iyong mapagtanto—
na ako yung taong hindi mapapagod sa 'yo.Patintero tayo, taya ulit ako—
ako ang magsisilbing harang mo
para hindi ka mapunta sa taong gusto mo.
Kaya lang... kahit anong gawin ko,
talo na naman ako.
Pinilit mong makalusot kahit alam mo—
na masasaktan ako.Hirap pala ng ganito,
kahit anong gawin ko—
isa lamang akong kalaro mo.
Nagbabakasali lang kasi ako—
na baka mabago ang nararamdaman mo.
Ngunit ako'y bigo,
hindi ko magawang dalhin ka sa mundo ko.Aayaw na ako—
hindi dahil sa pagod na ako.
Ayoko ng magsilbing kalaro mo
at nais ko ng tapusin ito...
dahil sa larong ito
tanggap ko nang talo na ako.
At kahit kailan hindi ako mananalo
hangga't para sa 'yo—
ako ay nagsisilbing isa lamang kalaro,
na kahit kailan hindi makakapasok sa puso mo.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD - TAGALOG
Poetry"Hanggang umpisa nga lang ba talaga masaya ang isang relasyon?" "Paano ka ba magmahal? Kaya mo bang isugal ang puso mo para sa taong mahal mo?" " Kahit anong gawin ko, hindi na maibabalik ang dating tayo."