PAANO NGA BA MAGING SAPAT?

348 1 0
                                    

PAANO NGA BA MAGING SAPAT?
ni Wence Benteotso
#108 📝

Paano nga ba?
Ano-ano nga ba ang dapat para maging sapat?
Paano ba ang tamang timpla ng pagmamahal para hindi ka iwan o maghanap ng iba?
Ano nga ba ang sukatan para maging
karapat-dapat?

Ito ang tanong ng karamihan,
pero kung ang isip natin ay ating lalawakan—
makukuha natin ang sagot sa ating mga katanungan.

Hindi ka naman talaga magiging sapat sa taong hindi nakikita ang halaga mo.
Hindi ka magiging karapat-dapat sa taong hindi kayang makuntento.
Hindi mo kailangan ng tamang timpla pagdating sa pagmamahal, dahil hindi n'yo makikita ang kakulangan ng bawat isa kung ang pagmamahal ay totoo.

Maaaring iniwan ka o ipinagpalit hindi dahil sa may kulang o sobra sa 'yo,
iniwan ka o ipinagpalit sa iba dahil hindi pa siya sa 'yo ay sigurado.
Kahit tibayan mo pa ang pundasyon n'yong dalawa, kung siya ay mahina—guguho ito sa ayaw at gusto mo.

Kaya kapag iniwan ka o ipinagpalit ka sa iba...
huwag mong tanungin ang sarili mo kung ano ba ang kulang, lalo na kung alam mo naman— na ginawa mo ang lahat para sa kanya.
Huwag mong sisihin ang sarili mo sa pagkawala n'ya, lalo na kung alam mo
naman—
na kumapit ka at lumaban para sa kanya.
Huwag mong parusahan ang sarili mo sa pagkawala n'ya.

Masakit man pero kailangan pa rin tanggapin,
mahirap man pero kailangan mong palayain,
kung sobra na ang sakit kailangan mo nang tapusin,
kung durog na durog ka na huwag mo ng sundin ang iyong damdamin,
dahil kahit kailan... hindi ka mananalo sa taong sa iba nakatingin—
hindi ka mananalo sa laban na iyong susuungin
kung ang ipinaglalaban mo ay hindi ikaw ang nais na sa kanya ay umangkin.

Kumawala ka na—
Tapusin mo na...
dahil mas masarap pa ring magpalaya,
kaysa pilitin ang mga bagay na hindi na p'wede pa.
Mas masarap pa rin sa pakiramdam na hayaan siyang maging masaya sa piling ng iba,
kaysa pilit kang kumakapit pero isinusuka ka na n'ya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SPOKEN WORD - TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon