AKO NGA PALA SI EX

1K 9 2
                                    

AKO NGA PALA SI EX
Ni Wence Benteotso
#58

Ako nga pala 'yong dating nagmahal sa 'yo—
ang dating minahal mo.
Kahit wala na tayo,
nandirito pa rin ako para sa 'yo.

Ako ang naging takbuhan,
nang kayo ay magkalabuan.
Balikat ko'y naging sandalan,
habang ika'y pinapatahan.
Luha mo'y pinupunasan,
habang nagkuk'wento ng 'yong pinagdaraanan.

Habang tumatagal na ika'y aking kasama,
sa damdamin ay may kakaiba—
pinapasaya kita,
inaalagaan kita,
hanggang sa.... minamahal na ulit kita—
Tama! Mahal na kita.

Ngunit paano ito?
Siya pa rin ang laman ng puso mo.
Maghihintay ba ako?
Aasa ba ako na muling bumalik ang dating tayo?

Nagparamdam ka ng kakaiba,
pinaramdam na may pag-asa pa,
pinakita na p'wede pa,
sana wag mo akong paasahin sa wala.

Handa akong makipagsapalaran—
sa tadhana'y makipaglaban,
sa nakaraan mo'y makipagsabayan,
madugtungan lang ang dating pagmamahalan.

Maghihintay ako,
aasa ako...
kaya para sa 'yo—
Ako'y muling magpapakilala,
ako nga pala si Ex,
ang dating nagmahal sa 'yo
at muling kumakatok sa puso mo.









SPOKEN WORD - TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon