SANA TAYO NA LANG ULIT
ni Wence BenteotsoMarami ang naging si Popoy at Basya,
hindi man parehas ang istorya,
ngunit parehas naman na umaasa.
"Sana ako na lang, ako na lang ulit"
ang kanyang linya,
habang umiiyak at nagmamakaawa.
Masaklap lang hindi lahat ng k'wento,
may Popoy na babalik sa 'yo
o kaya naman may Basya na babalik sa 'yo."Sana ako na lang, ako na lang ulit"
"Sana tayo na lang, tayo na lang ulit"
Ang laging sinasambit—
kahit hirap na ang kalooban,
pilit pa ring lumalaban.Hawak ang litrato n'ya,
habang nakikinig ng musika—
may kasama pang luha
habang nagbabalik-tanaw sa inyong alaala.
Lagi mong hiling,
na sana muli siyang makapiling.
Ngunit paano ito mangyayari
kung sa kan'ya iba na ang nagmamay-ari."Sana Tayo na lang ulit"
Walang tigil sa pagsambit...
kahit mukhang tanga na,
wala pa rin sa kan'ya.
Katwiran mo kasi— mahal mo pa
kaya pilit kang umaasa
kahit alam mong malabo na.Mulat naman ang mga mata
ngunit bakit nagbubulag-bulagan ka?
Hindi naman palyado ang mga tainga,
ngunit bakit nagbibingi-bingihan ka?Magising ka na sa katotohanan,
na talo ka na sa 'yong pinaglalaban.
Hindi pelikula ang istorya n'yo,
kaya malabong magkatuluyan kayo—
dahil sa totoong k'wento ng buhay mo,
wala ng babalik pa sa'yo.
Ikaw man ang bida sa k'wentong ito,
mananatili ka pa rin ekstra dito—
dahil magtatapos ito na wala pa ring KAYO.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD - TAGALOG
Poetry"Hanggang umpisa nga lang ba talaga masaya ang isang relasyon?" "Paano ka ba magmahal? Kaya mo bang isugal ang puso mo para sa taong mahal mo?" " Kahit anong gawin ko, hindi na maibabalik ang dating tayo."