MALAYA NA TAYONG PAREHO

1.4K 15 1
                                    

MALAYA NA TAYONG PAREHO
ni Wence Benteotso
#23 📝

Tanggapin na natin
na marami ng nagbago.
Tanggapin na natin
na hindi na maibabalik ang lahat.
Tanggapin na lang natin,
na hanggang dito na lang tayo—
O tamang sabihin na tanggapin ko na lang
ang lahat dahil wala na talaga.

Halata naman na napipilitan ka na lang,
halata naman na hindi na gano'n kalalim
ang pagmamahal mo,
halata naman na nagbago ka na,
halata naman na hindi ka na masaya.

Pinipilit ko naman maibalik ang lahat,
pinipilit kong ibalik ang mga nawala,
pinipilit ko naman na ibalik ang dating tayo,
pinipilit ko kasi mahal na mahal kita.

Kaya lang...
Ako na lang ang nagpupumilit,
Ako na lang ang umaasa na mababalik pa
ang lahat.
Ako na lang...
Ako na lang pala ang nagmamahal.
Ako na lang...
Ako na lang pala ang kumakapit.

Hayaan mo mahal ko,
bibitiw rin ako.
Hayaan mo lang ako,
matatauhan din ako.
Hayaan mo lang ako,
pinag-aaralan ko na.
Hayaan mo lang ako,
sinasanay ko na sarili ko.

At sa araw na okay na ang lahat,
mahal ako na ang bibitaw—
ako na ang magpapalaya sa puso ko,
ako na ang tuluyang lalayo sa 'yo.

Huwag kang mag-alala mahal,
Malapit na ako sa dulo...
Sa dulo kung saan tanggap ko na,
sa dulo kung saan ako na lang mag isa.
Sa dulong 'yon—
hinding-hindi na ako lilingon pa para balikan ang mga sakit.

Sa araw na 'yon,
huwag mo akong alalahanin—
dahil sa araw na 'yon...
kaya ko ng mabuhay ng wala ka na.
Sa araw na 'yon,
malaya ka na at malaya na rin ako—
malaya sa lahat ng sakit.
Sa araw na 'yon,
Malaya ka na at malaya na ako,
Malaya na tayong pareho...
sa pagkukunwaring okay pa tayo.

SPOKEN WORD - TAGALOGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon