PUWEDE BANG SABIHIN KO NA
ni Wence Benteotso
#4 📝Ikaw ang laging kasama—
kakampi sa lahat ng problema.
Alam ang lahat sa ating dalawa,
walang sikretong itinatago sa isa't isa.
Sa tuwing tayo'y magkasama,
walang humpay ang saya—
lahat nang lungkot ay nawawala.Bes ang ating tawagan—
magkapatid ang turingan,
pagkakaibigan ay iniingatan,
nangako pa tayong walang iwanan.Paano kung iyong malaman,
ang nais sabihin ng aking kalooban.
Pinilit ko namang pigilan,
pinilit ko na huwag itong maramdaman,
ngunit bigo ako—hindi ko ito napaglabanan.
Sana hindi ito ang maging dahilan
upang pagkakaibigan ay matuldukan.Nais ko sanang sa 'yo ay umamin
dahil tila sasabog na ang aking damdamin.
Lakas-loob na lang ang paiiralin
at sana ika'y huwag umiwas sa akin.
Hindi ko na rin kasi alam ang gagawin,
ang dami kong dapat alalahanin,
sa aking pag-amin—
sana ako'y iyong unawain.Maaari bang ako'y iyong pakinggan,
p'wede bang kamay mo ay hawakan,
maari bang ibigay ang sandaling ito
para masabi ang nais sabihin sa 'yo.P'WEDE BANG SABIHIN KO NA—
sabihin na...
GUSTO NA KITA—
OO, GUSTO KITA!
Gusto kitang mahalin,
gusto kitang alagaan,
gusto kitang protektahan,
gusto kitang pagsilbihan,
GUSTO KITA—higit pa sa kaibigan.Nakikinig ka ba?
Naniniwala ka ba?
Nakakabigla ba?
Nakakagulat ba?
Pasensiya ka na!
Hindi ko naman sinasadya—
na ang damdamin ko'y mag-iba.Hindi ko naman mapipigilan ang puso
kung IKAW ang itinibok nito.
Sana sa sinabi ko
wala sanang magbago.
Ako pa rin ang kaibigan mo—
ako pa rin ang "BES" mo...
ako pa rin ito.
Sinabi ko lang ang laman ng puso ko—
gusto ko lang maging totoo sa 'yo
at sa nararamdaman ko.Nais ko lang malaman mo,
hindi man magkaroon ng TAYO—
sa relasyong nais ko.
Masaya pa rin ako dahil alam ko
sa salitang IKAW AT AKO—
May nabuong TAYO...
Sa ating pagiging MAGKAIBIGAN.
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD - TAGALOG
Poetry"Hanggang umpisa nga lang ba talaga masaya ang isang relasyon?" "Paano ka ba magmahal? Kaya mo bang isugal ang puso mo para sa taong mahal mo?" " Kahit anong gawin ko, hindi na maibabalik ang dating tayo."