KABANATA 8 : HIDDEN CAMERA

235 8 0
                                    

"MALAPIT lang 'yon, Bogs. Lakarin na natin," sabi ni Kiko nang makababa sa PhilCoa sa Quezon City ang dalawa.

Galing na sila sa Ninoy Aquino Park kung saan nila kinunan ng video sina Gorio at ang ibang unggoy. Iyon ang misyon na ibinigay sa kanila ni Alana.

Nang matapos ay nagyaya rito sa U.P. Diliman si Kiko dahil minsa'y nakakita siya ng nagtitinda ng mga ibon sa tabi ng kalye. Nagbabakasali siyang matiyempuhan nila ang nagtitinda at makuhanan iyon ng video.

"Teka muna, Kiko," pigil ni Boging sa kasama. "Hindi ba't sabi ng mga taga- Protected Areas & Wildlife Bureau sa 'tin kanina eh bawal na ang magtinda ng mga hayop na hinuli mula sa kagubatan?"

"Oo. Ang puwede na lang itinda ay 'yung galing sa mga licensed breeders," sagot ni Kiko.

"Illegal trader kaya 'tong pupuntahan natin?" tanong uli ni taba.

"Sa malamang," tango ni Kiko, "kasi hindi naman sila permanenteng nakapuwesto rito."

"Ibig mong sabihin palipat-lipat sila ng lugar?"

"Oo. Nasa sasakyan nila ang mga ibon. Saka lang nila idini-display sa tabing kalye pag nakaparada na sila. Bakit ba, Bogs?"

"Kung alam kasi nilang bawal ang ginagawa nila, palagay ko'y hindi tayo basta-basta makakakuha ng video. Tapos, hindi naman tayo puwedeng magpanggap na turista dahil wala sa hitsura natin, Kiko, kahit pa may dala kang videocam," sagot ni Boging na inginuso ang maliit na backpack na nasa likod niya. 

Estudyanteng-estudyante talaga ang dating ng dalawa.

"Oo nga 'no. At hindi rin uubra ang pagiging school journalists natin dahil lalo silang hindi papayag," napangiwing sagot ni Kiko. "Pero sayang kung di tayo makakakuha ng video. Ibang anggulo 'to sa report ni Ms. Alana."

"Hmmm... If there's a will, there's a way," ani Boging na nag-iisip ng paraan. Ilang segundo lamang at nagulat si Kiko sa bulalas ni taba. "Eureka! Alam ko na."

"May naisip ka nang paraan?" hindi makapaniwalang tanong ni Kiko sa kasama.

"Ha...? A e wala pa," nahihiyang sagot ni Boging.

"E anong isinisigaw-sigaw mo?"

"Ang ibig kong sabihin, alam ko na kung saan tayo puwedeng mag-isip ng gagawin natin," ngingisi-ngising paliwanag ni Boging.

"Sabi na nga ba't hindi ka makakatiis," umiiling na sabi ni Kiko. "Sige na nga. Saan tayo? Sa Jollibee o sa McDo?" tanong ni Kiko dahil ang binabaan nilang jeepney stop ay nasa harap mismo ng mga fastfood stores.


UBOS na ang french fries at taob na ang mga baso ng softdrinks sa mesa nina Kiko at Boging pero wala pa rin silang maisip na plano.

Hinihimas ni Kiko ang suot na hikaw habang nag-iisip nang may lumapit na crew member. "Puwede ko nang ligpitin 'to?" tanong ng dalaga.

"Oo, thank you," sagot ni Kiko na agad kinuha ang kanyang baseball cap na nakapatong sa tray.

"Teka, teka!" habol ni Boging sa babae. "Sayang e. Akin na lang 'to, ha?"

"Oo ba," tatawa-tawang sagot ng crew member dahil gusto pang i-take home ni taba ang dalawang maliit na supot ng asin na hindi nila nagamit.

"Wala ka namang patawad, Bogs," ani Kiko habang isinisilid ng kaibigan ang asin sa backpack.

"Aba, malay mo kailanganin natin 'to," pagtatanggol ni taba sa sarili. "Iba na siyempre ang laging handa."

"Bakit ano pa ba ang laman ng bag mo?"

Napangiti muna si Boging bago sumagot. 

"Marami..." Isa-isang dinukot niyon ang laman ng bag. "May catsup... chopsticks... paminta...

B1 GANG MYSTERIES Case File No.8 : Wildlife DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon