Nakakahiya! Hindi siya dapat natulala kanina sa harap ng bagong Pediatrician nila! Ugh,baka kung ano isipin niya,na ngayon lang siya nakakita ng gwapo.
Yes,he's so handsome.
Yael..
Pangalan pa lang ang gwapo na!
Ugh!
Nagring ang phone niya. Dinampot niya iyun.
Jerk calling...
Naikuyom niya ang mga palad. Sa dami na pwedeng tatawag sa kanya ang hinayupak na Danilo pa na yun.
She's not a bitter anymore.
College crush niya ito. Nabuking siya na may paghanga siya rito pero hindi maganda ang nangyari dahil ang girlfriend nito ay pinahiya siya sa harapan nito at ng mga kaibigan nito.
Akala niya ipagtatanggol siya nito pero nagkamali siya.
Ipinahiya rin siya nito na hindi daw ito pumapatol sa isang tulad niya na mukhang weirdo na may malaking salamin sa mata at braces sa ngipin. Sobrang kahihiyan iyun sa kanya.
He insulting her.
Kuyom ang mga palad na sinagot niya ang tawag.
Bigla ito nagparamdam sa kanya ng magkita sila nito sa isang seminar at magmula nun kinukulit na siya nito. Siguro dahil maganda na siya ngayon. Hmp!
Dahil hindi siya bastos sa kapwa doktor niya maayos naman niya ito sinasagot.
"Hello?"
"Diana..nakauwi ka na ba?" agad nitong bungad.
She sighed.
"Bakit?"
"Gusto sana kita sunduin..." anito.
No..hindi pa niya nakakalimutan ang ginawa nito sa kanya kahit na humingi na ito ng sorry sa kanya. Pero nakatatak na yun sa isip niya.
"Uhm,siguro sa susunod na lang,Danilo..uhm,mag-OOT ako eh,"pagsisinungalin niya.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.
" Siguro hindi mo pa ko tuluyan napapatawad,Diana..I really sorry about what happen before.."
Naipikit niya ang mga mata.
She sighed.
"Nakaraan na yun,Danilo...wag mo ng isipin yun..siguro magkaiba lang taLaga tayo ng buhay ngayon..i..I'm busy with my life.." matapat niyang saad.
"Right,I know that..maraming beses mo na nga ko tinanggihan.."
Ano ito,nangongosensya ba siya?
She sighed. "Sige na,Danilo..may pasyente pa ko eh..bye," mabilisan paalam niya rito.
Kahit na maging desperada siya sa paghahanap ng boyfriend. Hindi niya ito gugustuhin pang gawin nobyo..very big disappointed sa kanya ang ginawa nito sa kanya.
Sa simula pa lang nakita na niya ang kulay nitong ugali.
Si Dok.Yael na lang...
Bigla gumalabog ang dibdib niya ng maalala ang gwapong doktor.
Naku,hindi rin,sigurado kaliwa't-kanan ang chicks nun sa maynila!
Eh nandito naman siya eh!
Kahit na..malay natin baka nga may girlfriend na yan dito..hindi lang naman ako ang single pa dito sa lugar natin..
Yeah right. Bakit ba ang malas niya sa pag-ibig!
Aminado sya na love of first sight siya rito!
BINABASA MO ANG
Prince of Gray Wolves Series 7 : YAEL GRACIANO by CallmeAngge(INCOMPLETED)
Werewolf#Prince #Graywolf #Romance #Mate #Dreame