CHAPTER 1

8.9K 216 3
                                    

"Okay,bigboy..relax and breathe,parang kagat lang ito ng langgam,okay?!"saad niya habang unti-unti niya tinuturukan ng karayom ang braso ng anim na taon na batang lalaki.

Mariin na napapikit ang batang lalaki habang nakasiksik sa ina nito na may pag-aalala sa mukha.

"Okay,mommy..ang tapang ng bigboy niyo,"saad niya ng matapos turukan ang bata.

" Salamat,Dok.."anang ng ina ng bata.

Sinulyapan niya ang mga nakapila niyang pasyente. Nakaugalian na niya magmedical mission sa malalayo lugar kasama ang iba pang volunteer doctors and nurses.

Pinangungunahan niya iyun dahil para sa kanya ang mga nasa malalayo lugar na walang malapit na pagamutan ang dapat na binibigyan ng ganitong medical attention.

"Dok..pahinga ka muna," anang ng assistant nurse niya si Rendell.

"Ayos lang,magpapahinga lang ako kapag tapos na.."

"Iba ka talaga,Dok..sobrang mamimiss ka namin.." anito.

Yeah,nagpasya siya lumipat ng ibang ospital sa isang pampublikong hospital sa isang probinsiya sa Mindanao mula sa Maynila.

"Magpapatuloy pa rin naman ang medical mission natin..at kasama pa din ako.." assure niya rito.

Nakatanggap na siya ng tugon mula sa hospital na inapply-an niya at agad naman na natanggap siya roon.

Tamang-tama daw ang pag-aapply niya dahiL kulang sila sa mga doktor lalo na ang Pediatrician.

"Minsan,Dok..bisitahin niyo kami ha? Baka kalimutan niyo kami,"untag nito.

Tinapik niya ang balik nito.

" Oo naman.."nakangiti niya tugon rito.

Muli nagpatuloy siya sa pagtuturok sa mga bata.

Wala naman magbabago,lilipat lang siya ng lugar dahil alam niya ang malalayo probinsiya ay kulang sa medical service.

Madilim nang makabalik sila ng Manila.

Agad na tinungo niya ang kanya silid para makaligo. Maalinsangan at maalikabok na ang pakiramdam niya.

Bigla nakakatuwa isipin din na apat na lang sila prinsipe na nandito sa mundo ng mga tao.

Aminado siya na hindi niya nagustuhan ang mundong ito. Magulo,mahirap at walang pagkakaiisa pero hindi rin naman naglaon nagiging mabuti na din ang kalagayan ng mundo ito.

Alam nila mga prinsipe na ang mundo ito ay malayo sa mundo na pinanggalingan nila. Nagkagulo man ngunit hindi iyun naulit pa hindi tulad sa mundo ito wala ata katapusan ang kaguluhan. Gayunpaman,isa lang ang hinahangaan niya sa mga tao.

Ang pagiging mapagmahal ng mga ito sa kapwa.

He sighed. Minsan na siya naugnay sa mga babae pero hindi pa rin niya alam kung ano nga ba ang pag-ibig na sinasabi nila.

He's clueless about love.

Pero love na din ba matatawag sa ginagawa niya sa pagseserbisyo sa mga bata sa pamamagitan ng paggamot?

He thought so.

Binuksan niya ang shower nang maalis niya ang pagkakatali ng mahaba niyang buhok.

There,makakarefresh na siya. Kapag isa kang doktora kailangan sayo nagmumula ang kalinisan at pangangalaga sa sarili.

Hindi kinakailangan ng doktor sa mundo nila dahil kusa sila gumagaling. Kaya naman sobra niya inienjoy niya ang panggagamot sa mga tao.

He sighed. I am a Doctor..not a prince.

Prince of Gray Wolves Series 7 : YAEL GRACIANO by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon