Literal na tulala siya. Para siyang nakalutang pa rin sa ulap. Hindi siya makapaniwala .
May gusto sa kanya si Dok.Yael. hindi man nito derekta na sinabi sa kanya na gusto siya nito sapat na sa kanya ang ibig sabihin ng mga salita nito.
Tapos yung halik sa noo niya. Para sa kanya iyun ang pinakasweet gesture mula sa isang lalaki. Na hinahalikan ang isang babae sa noo nito.
Naikulong niya ang mukha sa kanya mga palad.
Nag-iinit ang mukha niya. Hindi lang yun,kinikilig pa siya!
"Doktora?" pukaw sa kanya ng assistant niya.
Agad na umayos siya.
"Yes?" pagpormal niya.
"Lunch na po,hindi pa po ba kayo maglalunch?"
Agad na gumalagabog ang dibdib niya.
Patay,may utang na lunch daw siya Kay Dok Yael.
Sana nagbibiro lang siya!
"Uhm,sige maglalunch na din ako,mag lunch ka na.."
Kanina pa nga din niya napupuna ang pagsulyap nito sa suot niya. Malaki nga yun sa kanya ginawan lang niya ng paraan para maayos tingnan. Alam niyang may ideya na ito kung bakit iyun ang suot niya tikom lang ang bibig nito dahil alam din nito na minsan na may limitasyon ang pagiging Assistant nito sa kanya na bilang boss nito.
Marahas siyang napabuga ng hangin. Ano ba ito nararamdaman niya?
May kumatok sa pintuan niya. Baka may nakalimutan na naman ang nurse niya.
Bumukas iyun at hinintay niya sumungaw roon ang nurse niya.
Isang nakangiti gwapong doktor ang bumungad sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya.
"D-dok..." bigla pagdagundong ng dibdib niya.
Nakangiti na lumapit ito sa mesa niya.
"Ready for lunch?"
"H-ha,uhm.."
"My treat,come on,let's eat..nagutom ako sa iyakin kong pasyente kanina..parang gusto ko na nga paluin sa pwet eh," pagpapatawa nito.
Madali lang siya patawanin kaya naman hindi na siya nagulat ng mapatawa siya nito.
She chuckled. "Bad ka.."
Ngumisi ito at puno ng amusement ang gwapo nitong mukha.
"Bad talaga ako.." makahulugan nitong saad.
Bigla siya naumid sa sinabi iyun ng doktor.
He chuckled. "Shall we?" pukaw nito sa kanya.
Haist,relax ka lang,Diana.
Tumayo na siya sa likod ng mesa niya.
"Bagay sayo ang polo ko...it's look sexy on you.." deretsahan nito sabi sa kanya.
Hay,pwede bang mahimatay na lang. Bakit ba ganito ang doktor na ito?!
"S-salamat.."
Ngumisi naman ito at pinagbuksan siya ng pinto at nasa likod ng beywang niya ang isa nitong kamay.
Aww,he so touchy.
"T-thank you.."
Mahina ito tumawa. "Relax,sexy..." amused nito saad.
Sumimangot siya. Paano siya rirelax eh,first time sa kanya ang lahat ng ito.
Ugh,sila na ba?
Assuming,Diana..
___
Maghi-hello lang ako sa mga nagbabasa. Hays,dami ko updates ngayon kasi stress reliever ko talaga ito haha kapag sunod-sunod update isa lang ibig sabihin nun..dami ko din stress Hahaha!
Anyway thank you sa lahat.
Lalo na sa madalas mag comments every chapter salamat talaga at sa nagmimessage thank you talaga. Kay Diana,Fren and Camille salamat sa papahiram ng name ,ugh Hirap kaya mag-isip ng pangalan haha , Nakakawala kayo ng stress totoo yun. Good vibes kayo sakin hehe.
May nagpapadidecate sakin eh,di ko na makita yung comment niya natabunan na..comment ka ulit sakin,Salamat.
Then of course,Kay Ms.Ylcero thank you talaga lalo na sa mga APhrodisiac/Lunatics na supporters ni Ms A. Salamat sa inyo. Kahit papaano bet niyo stories ko haha
Ang mga gawa ni Ms.Ylcero ang kauna-unahan ko nabasa nun sa Werewolf genre. Silent reader here!
Kunting trivia:
Avid fan ako ng erotic romance stories pero sa Gothic ako may passion tulad ng werewolf at vampire genre hehe.Sa notebook lang ako dati nagsusulat pero ngayon dito na. Bakit ngayon ko lang naisipan magsulat dito? Kasi ngayon lang ako may matinong celpon haha kaso pasira na din..free basic user pa ko tas wala pa ko account noon hahaha. Thats all.
Salamat talaga sa inyo. Alam kong minsan hindi maiiwasan na madisappoint tayo minsan sa isang storya..ganun din sakin mga gawa haha I knew that,kasi minsan yung expectation natin hindi nagtutugma haha pero salamat ng marami.😊😊😊
BINABASA MO ANG
Prince of Gray Wolves Series 7 : YAEL GRACIANO by CallmeAngge(INCOMPLETED)
Werewolf#Prince #Graywolf #Romance #Mate #Dreame