CHAPTER 23

6.9K 161 4
                                    

Napahilamos siya ng kanyang mukha. Ininom ng dalaga ang banal na alak.

Kitang-kita niya na umepekto na yun sa dalaga.

Napabuga siya ng hangin. Mabuti na lang kunti lang ang ininom nito kung madami malamang hindi lang kiss ang gagawin nito sa kanya.

Hindi tuloy niya maiwasan mapangisi.

Nagiging agresibo kapag nakainom ng banal na alak.

Sinamaan niya ng tingin ang bote.

Ayaw niya mabigla ang dalaga sa ikikilos nito na pagsisihan lang nito sa huli.

He don't like that. Gusto niya ng patas na laban.

Nahihiya siya. Nakakahiya ang ginawa niyang iyun kagabi.

Pero bakit naman? Magkasintahan naman kayo ah!

Tama!

Maaga siyang nagising kahit hindi siya agad nakatulog.

Nadatnan niya sa kusina ang kasintahan,nag-hahain na ito ng almusal nila.

"Good morning,Sexy!" agad na bati nito.

Nakangiti na lumapit siya dito.

Sinalubong siya nito ng yakap at pinatakan ng halik ang kanyang noo.

"Good morning ,too.."

"Let's eat..mangigisda tayo para sa tanghalian natin.." anito.

"Alright,gusto ko yun!" masigla niya saad.

Tumawa ang nobyo.

Inasikaso siya nito.

"Bukas ng umaga tayo umuwi..para makapagpahinga pa tayo ng mahaba.." anito habang nilalagyan ng sinangag ang plato niya.

"Okay sakin..Thank you,"aniya.

Hinalikan nito ang gilid ng noo niya.

" uhm,Sorry nga pala sa wine ah,"nahihiya niya sabi.

"It's alright,wine lang yun.."anito.

" Okay,..pero ang sarap nung wine ang ganda pa ng kulay niya ang tingkad..saan mo nabili yun?"usisa niya tungkol sa wine.

"Special na wine yun mula sa mundo na-,I mean sa birthplace ko.." anito.

"Saan naman? Doon pa din ba nakatira ang parents mo?" usisa niya muli.

Hindi kaagad nakaimik ang binata kaya sinulyapan niya ito.

"Uhm,sa malayong probinsiya.." anito.

"Ah okay..mukhang magaling ang gumawa ng wine.." aniya. Hindi nito sinagot ang huli tanong niya.

Hinaplos nito ang likod ng ulo niya.

"Oo naman.." anito.

Nagpatuloy na sila sa pagkain.

Nahalata niya na tila atubili ito pag-usapan ang tungkol sa sarili nitong pamilya.

She sighed. Ngayon lang niya narealize na hindi pa nga nila kilala ng lubusan ang isa't-isa. Bukod sa alam niya na sweet,gentleman at maalaga ang binata bukod doon wala na.

Is he a loving son to his family too?

Nang matapos sila sa pag-aalmusal. Namingwit na sila ng binata. Napagpasyahan nila na doon na mananghalian at maghapunan since uuwi na sila ulit gusto niya masulit muli na makapiling ang karagatan dahil magiging busy ulit sila.

Ito na ata ang pinakamasayang vacation na naranasan niya kahit maikli araw lang na kasama niya ang kasintahan. Ngayon lang siya muli naging masaya ng ganito mula ng maulila siya sa kanyang pamilya.

Masaya dahil kasama niya ang lalaki minamahal niya.

Prince of Gray Wolves Series 7 : YAEL GRACIANO by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon