Agad na napasimangot si Diana ng makita niya ang pagkukumpulan ulit ng mga nurses at ilang doktor na babae pagkapasok niya sa entrance.
Ilang araw na nga ba niya naaabutan ang lagi ganun eksena.
Imbes na ang mga pasyente ang asikasuhin ng mga ito ang bagong doktor ang inaatupag ng mga ito.
Maaga pa naman,kontra ng isip niya.
Umismid siya,kahit na. Kung mas maaga sila magsisimula maaga din sila matatapos noh. Lalo siya nainis ng makita ang maarte doktora na si Dra.Nadine. Ang feeling muse ng hospital nagpaplastic surgeon lang kaya tumangos ang ilong at lumaki ang boobs.
Bitbit ang kape na nasa papercup na binili niya sa coffee shop ng kaibigan dere-deretso lang siya.
Naiinis siya,akala mo mga hindi pa nakakakita ng gwapo sa buhay nila.
Hindi pa man siya nakakaabot sa opisina niya ng marinig niya ang pangalan niya.
"Diana.."
Marahas siya napalingon. Agad na gumalagabog ang dibdib niya ng makita kung sino ang papalapit sa kanya.
Okay,relax,Diana! sabi niya sa isip.
Nakangiti ito habang papalapit sa kanya.
"Good morning..lagi ka pala maagang pumasok.." umpisa nito.
Nauumid na tumango siya.
Tumikhim siya.
"Uh,Yes,Dok..nakasanayan ko na.." aniya.
Nakakailang naman siya. Kung makangiti parang may iba ito iniisip. Ugh,stop it,Diana.
Mukha naman siyang gentleman eh.
"Is that a coffee? Palagi kita nakikita may bitbit niya tuwing papasok ka,"sita nito sa hawak niya.
Oh,ibig sabihin ba nun,nakikita pala siya nito sa kabila ng pinagkakaguluhan ito ng mga katrabaho niya?
"Uhm,Oo..mahilig ka ba sa kape?"
Humalukipkip ito habang may ngiti pa sa labi.
Mukha gusto nito na pahabain nito ang pag-uusap nila,kaso ano naman ang sasabihin niya?
Speechless ka kasi..
"Medyo..kung coffee lover ka..pwede ko na din kahiligan.."
Bago pa man siya makareak. Inabot nito ang kamay niya na may hawak sa paper cup.
Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang ginawa nito.
Hinawakan nito ang kamay niya at iniikot ng bahagya para uminom sa mismo bahagi ng baso na iniinuman niya at doon uminom.
Nahigit niya ang hininga sa ginawa nitong iyun.
"Hmm..taste good,"nakangisi nito saad habang kumikinang ang mga mata nito sa pagkaamuse.
Napaawang ang bibig niya at napadako doon ang mga mata nito. Bigla siya pinag-initan ng mukha.
" Uhm,k-kung gusto mo pwede kitang bilhan.."
Huli na para matanto niya ang sinabi niyang iyun.
Umaliwalas ang mukha nito.
"Gusto ko yan,Doktora..aasahan ko yan," anito.
Hindi niya alam kung gaano na siya katagal nakatunganga roon.
Totoo ba ang eksena yun? Ininuman nito ang baso na iniinom niya.
Parang nagkiss na kayo nun!
Muli nag-init ang mukha niya. Bakit niya ginawa yun?
Baka type ka?!
"Hindi kayo bagay.."
Napukaw nang nagsalita iyun ang atensyon niya.
Agad na napataas ang kilay niya ng makita si Nadine yun. Ang doktora ng mga plastic!
Hindi niya ito papatulan,sanay na siya rito.
"Obvious naman na nagpapansin ka din eh noh.." patuloy nito.
She sighed.
"You know what,Nadine..mine your own business,ikaw lang ba ang tao dito na dapat pansinin.."
Naningkit ang mga mata nito namimigat sa peke nitong pilik-mata.
Huh,buti na lang siya biniyayaan ng natural na haba at makapal na pilikmata.
"Mauna na ko sayo.." agad na pagtalikod niya rito.
Ilang taon na nga ba mula ng kainggitan siya nito. Mula ng matanggap siya sa ospital nito mainit na ulo nito sa kanya.
As if naman hindi rin kainit-init ang kaplastikan niya.
Okay na sana umaga ko eh,may panira lang.
Sa DREAME na po siya mababasa.
Visit CallmeAngge in DREAME.
BINABASA MO ANG
Prince of Gray Wolves Series 7 : YAEL GRACIANO by CallmeAngge(INCOMPLETED)
Werewolf#Prince #Graywolf #Romance #Mate #Dreame