Prologue

798 72 46
                                    

Five years na din pala mula nung huling apak ko dito sa Ninoy Aquino International Airport. Parang wala naman masyadong pinagbago mula nung umalis ako. #BalaSila

Habang ineenjoy ang scenery na kinakasabikan ko naman talagang makita paalis ng parking lot ay may napansin akong tuta. Oo tuta. As in puppy. Mabilis kong pinahinto ang kotseng lulan namin ni Mama at mabilis na dinampot ang parang hinang hina ng tuta. So ang nangyari hindi ko na nakita at nawalan na atensyon ko sa mga naglalakihang billboards na nadaanan namin. Hindi ko tuloy nakita ano at sino mga naka pose don. Kasi mas importante ang buhay ni Maddie. Yes! Maddie ang pinangalan ko sa tuta. Kagalit galit naman kasi talaga nang iwan o nagtapon sa kanya.

Nandito kami ngayon sa nadaanan naming veterinary clinic. Binigyan ng dextrose powder si Maddie at niresetahan lang ng vitamins ng poging vet at pwede na daw namin siyang iuwi.

Oops! Tinurukan na rin pala siya ng 5in1 vaccine at sabi kailangan din I deworm siya kaya go nalang kami ni Mama sa mga advice ni poging doc vet.

Adter 300 years nakauwi din kami sa bahay. Sa dati naming bahay. Weyt! Nabanggit ko naba na galing kami ng Korea?! Hindi pa? Shocks! Seventeen palang ako pero parang may sakit na akong dementia.

So ayun nga, five years kami sa Korea na tumira bago kami umuwi o should I say bumalik dito sa Philippines. Isa akong Hotel and Restaurant Management student doon at balak kong mag transfer dito para ituloy pag aaral ko. Oo nga pala, half pilipino at half korean nga pala ako. Tipong kalahating etchusera pero purong dyosa ganern!

At ngayon sisimulan ko ang bitin na chapter ng buhay ko na itutuloy ko dito. Syempre walang may interesado kaya sa huli mag s-selfman este mag s-self pity nalang ako.

******

Something About Us [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon