K

65 7 0
                                    

Potassium cyanide = a very poisonous crystalline salt
KCN used especially in gold and silver extraction from ore.

***** (Flashback)
It's Christmas eve and I'm really excited kasi uuwi na si Daddy from his work sa ibang bansa, as of what my mom told me. Nandito rin ang mga friends niya at ang family nila. Pati yung iba naming kamag-anak para sama-sama kaming magcelebrate ng Christmas. Nasa sala kaming lima, ako, si kuya Vhon, kuya Blue, Kei, at El.

Masaya kaming naglalaro habang nagkwekwentuhan ang mga magulang namin. Nagring ang cellphone ni Mommy at ng magregister ang 'daddy' ay agad niya itong sinagot at ni-loud speaker.

"Honey! Are you all alright? Wala bang masamang nangyayare dyan?"  Tanong niya sa amin. Fear, anger and worry is evident in his tone which really surprise us. May faint na gunshots naman akong naririnig. Alam ko ang tunog non dahil yun ang ginagawa nila ni Mommy kapag anniversary nila.

"I'll be a bit late tonight. Sorry. Advance Merry Christmas. I mean. Merry Christmas since it's already midnight." And I heard a soft chuckle on the other line.

Bigla namang umalingawngaw sa buong paligid. Dahilan para matigil kaming lahat sa kanya-kanya naming ginagawa. Umakyat kaming lahat sa master's bedroom. Kinuha nina tito ang baril sa ilalim ng mesa, unan, cabinet, sa likod ng toilet, sa ilalim ng swivel chair ni daddy.

Binigay naman ni mommy ang isang taser sa akin at ang sabi niya if some bad guy approach me, I should press the button so that they'll be electrocuted. Ang isang baril naman ay pinahawak niya kay Kei.

I started crying when I realize that something's wrong.

"Mommy, I'm scared!" Sabi ko habang umiiyak.

"Don't be scared my little princess. Mommy's here, tito Nathan is here. Kei (pronounced as ki) is here too. We're all here for you." Tumigil ako sa pag-iyak pero humihikbi pa din. "I'll sing a song na lang. Okay?" Tumango-tango naman ako. Bakas ang takot sa aking mukha. Pumasok kami ni Kei sa ilalim ng kama habang sina kuya Vhon at El ay pumasok sa secret doorway sa loob ng closet. Hindi ko lubos maisip kung bakit sila ang lumabas doon kung mas mahalaga ang buhay ko kesa sa kanila. Di ba dapat kami ang tatakas imbes na silang dalawa? Pero bakit sila pa ang mas nauna sa akin?

Wang-wang-wang-wang

Tunog ng sirena na nangangahulugang may mga invaders sa mansion namin. Pinapakalma naman ng isang 7 yrs. old na Kei ang tulad kong kasing edad niya din.

Twinkle twinkle little star,
How I wonder,
What you are?
Up above the world so high,
Like a diamond~~~ BANG!!!

Isang malakas na putok ng baril ang narinig namin. May limang lalaking nakamaskara ang lumapit kina mommy at tito. Tinurukan sila ng kung ano at nagulat na lang ako ng bumula ang mga bibig nila.

Bigla naman silang lumingon sa labas, marahil ay sa bintana. Agad na lumabas ang tatlong lalaki samantalang naiwan ang dalawa na may hawak na malaking lalagyan. Dali-dali nila itong ibinuhos sa buong kwarto maging sa pintuan.

Pinipigilan ko pa rin ang sarili kong umiyak dahil baka mahanap nila kami. Naglabas ang lalaking matangkad na may peklat sa kilay nang isang lighter, sinindihan niya ito at sabay hinagis sa loob ng kwarto. Nakita ko sa kanyang pulsuhan ang markang 'K'. Mabilis na nagkalat ang apoy, ibig sabihin ay gas ang binuhos nila kanina at pwede kaming mamatay due to suffocation kapag hindi kami nakalabas dito.

Matapos umalis ng mga bad guys na iyon, agad kong dinaluhan si mommy. Pilit kong pinipigilan ang paghikbi at pinangako ko sa sarili ko na magpapalakas ako and I will bring justice to her death. Noong may mga falling debris mula sa kisame ay agad akong hinila ni Kei upang makatakas na kami. Pumasok kami sa aparador ni mommy na isa sa mga tinuring ko nang playground dito sa mansion. May secret passage kasi rito. Agad kaming lumabas ng bahay. Sa 'di kalayuan, nakita ko naman si kuya Vhon at El na hinahabol ng mga bad guys.

"Kaya pala sila nauna sa amin, para sa kaligtasan ko rin" sa isip-isip ko.

We ran as fast as we can. And into the woods we went. Nag-aabang doon ang isang kotse. Not just a simple car dahil hi-tech ito. Pumasok kami sa loob and we took the iPad connected to the car. We started the car using the iPad and para lang kaming naglalaro ng Race Car na app sa iPad. Easy piece-y. Inopen din namin ang maps dahil pupunta kami sa safe house namin sa Bulacan. Since madaling araw ngayon at Christmas na, wala na masyadong sasakyan ang makikita sa kalsada.

Yeah, it's Christmas. Habang may fireworks sa ibang lugar. Mismong mansion namin ang sumabog. Habang magkakasama ang pamilya ng ibang tao at nagkakasiyahan, samin hiwa-hiwalay na and worse mixed emotions of rage, sadness and confusion. Partida marami pang namatay ngayong gabi.

Red is for Christmas. Red is for blood.
Paniniguraduhin kong gaganti ako. Hahanapin at ako mismo ang papatay sa inyo.

- - - - - -
Update na mahigit 2 taon na ang nakakaraab, pero di pa rin napublish. Salamat sa mga nakabasa na.

MY FIRST LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon