Peaceful Chaos

12 2 0
                                    

Wala kaming klase, nagwalk out rin ako sa room. It's awkward to return after all the mess I made. Ayoko namang kumain pa since ang aga pa naman.



I decided to go to the library to find some good books. Naghanap ako ng makakapique ng interest ko pero wala talaga. Bakit ko ba kasi iniwan yung mga gamit ko, di ko tuloy matuloy yung binabasa kong manga.




After kong magpaikot ikot sa library ay napagpasyahan kong itext si Froi since mas feeling close sya kumpara kay X -- err -- Oli, I mean. Pinakuha ko sa kanya yung mga manga ko, specifically. Since ayokong magbasa sa library 'coz it feels so stuffy inside, sinabihan ko syang dumiretso sa field. It's a soccer field and since tama lang yung init ng panahon, masarap yung feels kapag doon ka pumuwesto.




After 5 minutes, naghihikahos niyang binigay sa akin ang bag na may lamang manga books. Sabihan ko ba naman syang dalhin ang books ko in less than 10 minutes or else I'll kill him. Ang layo pa naman ng building namin from the rest of the world. Char.




Pinagpatuloy ko na yung binabasa ko kanina pero nung hindi pa rin sya umaalis, matiim ko siyamg tinitigan to let him know that his presence is not allowed and he should already go now. He made a few steps backwards maintaining a safe distance between us.




"Just text me if you need anything, my lady." Hindi nya na talaga itinigil ang pagtawag nya sa akin ng ganoon. It's either that or your highness and the likes. Actually noong una ayoko yung way ng pagtawag nya sa akin. There's this awkwardness lingering whenever he's way too comfortable around me. Lalo na kapag feeling close sya sa akin sa harap ng mga classmates namin.




Ginugol ko ang buong dalawang oras sa pagbabasa at dahil sa ganda ng panahon at pagkaantok ko, unti-unti akong nilamon ng kadiliman.





My pillow felt comfortable more than ever before, though parang ang liit ng kumot ko ngayon at tanging legs ko lang ang natatakpan. Pinilit ko mang baluktutin ang aking katawan na parang sanggol, hindi pa rin nito nabalot ang buo kong katawan. Dahil sa kumot ko hindi ako makapwesto ng maayos sa pagkakahiga. And a gentle pat on my head made me want to sleep more and feel nothing but warmth. Hindi ko na lang pinansin ang walang kwentang kumot ko at nahimbing na muli sa pagkakatulog.





I was on a picnic with a very gorgeous woman I've ever met. The place is really nice since napapaligiran kami ng flowers and a little further from us was a lake. The sun is shining brightly but the smile of the woman was even brighter than the sun. It was like the sun is nothing compared to her smile. Compared to the warmth she has given me.





She made a sandwich and gave it to me. I also made one and when I gave it to her, she gladly accepted it. Her laughter brings joy to my soul. Her hugs made me warm and comfortable. But then suddenly, as if returning to where she belongs, the sun envelopes her and then... she's gone.




Dahil sa sakit ng aking leeg ay napagpasyahan kong imulat na ang aking mga mata. Nagulat ako sa mukhang bumungad sa akin. He's smiling back at me showing off his dimples. Napabalikwas ako sa pagkakahiga at agad kong chineck kung nasaang lupalop ako ng mundo. Saka ko lamang naalala na nasa field ako ngayon.




"How long were you looking at me? you perv." Wika ko sa isang kontroladong tinig.




"If you're talking about how long I'm looking after you, it's about 3 hours." Tila nagmamalaki nyang turan sa akin. Wow. Due to exhaustion and lack of sleep last night, hindi ko na kinaya ang antok. At most five hours ba naman kasi ang tulog ko usually at kapag may mga missions lang akong ginagawa, ako nawawalan ng tulog.




MY FIRST LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon