Nagulat ako sa ginawa ni Fruelan. Yes they've sworn to protect their masters but still... over something so trivial like dodge ball?
Sakto pa sa ulo yung tama ng dodge ball sa kanya. I glared at Cara's little pony who threw that ball.
"You fine?" Strikto kong tanong sa gunggong.
He smiled brightly at me showing his deep dimples. Inabot nya ang isang towel at bottled water sa akin. Grabe alagang alaga sakin.
Napa-tsk na lang ako sa kahunghangan nitong mokong na ito. Sunod naman ang laro ng mga boys. Ganun pa rin ang rules. Let's call the groupings as Froi's group and Keith's group.
A/N: Froi is Fruelan. Hirap kasi i-type kaya ganyan na lang. Hihihi
Nagpatugtog muli si miss ng another kpop song.
My Pace by Stray kids
You ready, let's go
Na na na na na na na na na na na
Just stay in my lane
Na na na na na na na na na na na
Grupo nina Keith ang natalo sa bato-bato-pick kaya sila ang nasa gitna. Magaling ang grupo nina Fruelan though hindi sya masyado nakakabato ng bola. Pero mas magaling ang grupo nina Keith, with him as their team captain. Tapos na ang kanta pero marami pa rin sila sa gitna. Unbelieva--. Wait... Why am I praising him? Bakit ko sila kinakampihan? Dapat nga hindi ako nanonood ihh.Hindi ko na itinuon pa ang paningin ko sa mga naglalaro at ipinikit ko na lang ang aking mga mata. Napadilat na lamang ako muli ng pumito si ma'am Vangie.
Kumuha ako ng isang bottled water at hinagis ito papunta kay Froi. Nasalo nya naman ito kahit pa nabigla sya.
"Just returning the favor." Sabi ko sa kanya. Nakarinig naman ako ng ilang bulungan matapos ng ginawa ko. Kesyo raw nilalandi ko raw ang transferee at nagpapalandi naman ang transferee. Kesyo raw nilalandi ko rin yung magpinsan na seatmates ko. Kesyo raw nerd man ako tignan, makati naman ako sa loob.
Hindi ko na lang sila pinansin at tinungo ko ang gitna ng court. May 10 minutes kami na break time bago simulan ang last game. Hindi pa rin nae-explain ni ma'am ang mechanics at rules sa last game.
Nakatayo lang ako sa gitna ng court ng maramdaman ang papalapit na mabilis na bagay mula sa likod. Sa gulat ko, napa-iwas agad ako pakaliwa at gamit ang kanang kamay ko, sinalo ko ito at binato pabalik sa kung sino mang gunggong na naglakas loob kalabanin si satanas.
Gamit ang isang kamay, sinalo ito ni Fruelan. And there he goes again with his warm smile, showing off his dimples.
"Akala ko, kinakalawang ka na." Sabi nya pa. Is he trying to get himself killed? It's working. Pag kumonti pa ang pasensya ko baka mapatay ko sya sa harap ng mga manika na ito na walang ibang ginawa kundi ang magbaba ng kapwa at pumutak nang pumutak.
Minatahan ko lang sya pero di pa rin sya nagpatinag. Akmang ibabato nya ito muli sa akin nang pumito si ma'am.
"You two lovebirds, get back here. Ipapaliwanag ko na ang last game sa inyo." Bumalik naman ako sa bench.
But before I settled down, I clarified something.
"We're not lovebirds. We barely knew each other." Umakto naman si ma'am na naiintindihan nya ang sinabi ko. Tss.
BINABASA MO ANG
MY FIRST LADY
Roman pour AdolescentsTAGLISH - ONGOING Drama. Romance. Mystery/Thriller. Fiction. Action Stories about mafiosos and gangsters are quite common nowadays. The rulers of this world are strong, bold, wise and have a perfect figure, pretty much everything but sometimes lacks...