Pilot Section: 4A - Platinum

149 8 0
                                    

Nakadungaw lang ako sa maliit na bintana sa pinto ng aming classroom.

"Hindi ka pa ba papasok, malapit ng magbell." Tanong sa akin ng isang lalaki na sa tingin ko ay teacher dito.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan na naging dahilan para madivert ang atensyon ng buong klase. Pumasok na ako sa loob at naghanap ng vacant seat. Since ubos na ang seats sa likuran at tanging sa unahan na lang ang maraming vacant, sa unahan na lang ako umupo. Left- most part ng room, malapit sa bintana.

Pumasok na ang lalaking kumausap sa akin kanina, adviser siguro ng section namin.

"Morning class." Cold na bati niya sa amin. Nakakapanibago nga eh, parang ang bait-bait niya kanina.

"Classmates, Good morning sir!" Sabi ng class representative 'ata' nila para maging sabay-sabay ang klase. Tumayo lang ako kasabay nila at hindi na nag-abala pang bumati.

"Since halos lahat naman kayo ay magkakakilala na, no need for introduction. Ang tanging mag-iintroduce ng sarili nila ay ang transferee at yung dalawang from other section. Umpisahan natin sa... Uhm... Sa transferee na lang." Sabi ni sir.

Tumayo na ako sa harap and I cleared my throat. " Good morning po sa inyo. Ako po si Aly Alfonso. Galing po ako sa Victoria Science High School sa Visayas. Yun lang po." Sabi ko, hininaan ko nga boses ko para kunwari mahinhin akong tao. Pshh.

"Mind if I ask you kung bakit ka lumipat dito sa Manila? Top 1 ka ng batch niyo doon at malaki ang possibility na ikaw ang maging valedictorian sa inyo."  Sabi nisir at isang ngiting tipid lang ang sinagot ko sa kanya.

"Baka kasi umiiwas sa pinagkakautangan yung family nila." Sabi nung kuyang bukas ang polo habang may kalandiang babae.

"John David Gulliat, itigil mo yan." Saway nung class representative nila.

"Baka akala niya kaya niyang makipagsabayan sa mga taga-syudad eh di hamak na mas advance ang mga lessons ng mga schools and universities dito sa Maynila." Sabi nung babaeng kalandian nung John David na yun. Porma pa lang alam mo nang mga laki sa layaw tong nga to. Tsk tsk tsk tsk. Too bad, ako ang kinalaban nila.

"Isa ka pa Samantha Collins.! Kapag hindi kayo tumigil ipapadala ko na kayo sa OSA. " Sabi naman ni sir.

Hmmm... John David Gulliat at Samantha Collins. You'll regret messing up with me. Hakhakhakha---

Natigil ang mental na pagtawa ko ng may kumatok sa pinto namin at binuksan agad ito.

"SIR!!!" Tawag ni kuya kay sir. "Mababago po ang sectioning ng fourth year ngayon, batay na daw po sa IQ ng isang tao." Sabi niya ng makahinga na siya ng malalim.

Nagsignal si sir sa kanya na nagpapahiwatig na ituloy niya lang ang sinasabi niya. "Lahat daw po ng may IQng 180 and above ang kasama sa pilot section. At para naman daw po sa ibang section nakapaskil na daw po ang information sa bulletin board sa bawat floors." Pagkatapos niyang ipaalam iyon sa amin ay umalis na din siya.

"So, sino sa inyo ang may IQng 180 anove? Wala ba? Ni isa?" Tanong ni sir. "Ay wait, Aly, sabi sa info mo eh 228 ang IQ mo. So kasama ka sa Pilot Section. Congratulations! You may now leave the classroom." Sabi niya ng walang kabuhay-buhay.

Kinuha ko na ang bag ko at dahan-dahang tumungo sa pintuan. Nang nasa tapat nako ng pinto, nilingon ko lang sila at isang ngisi ang sumilay sa aking labi habang nakatingin sa mga mukha nilang hindi makapaniwala at tuluyan ng umalis ng room. Speechless sila.

Pagkalabas ko ng room ay hinanap ko na ang room na tinutukoy nila kanina. Hinanap ko rin yun sa mapa at napansin kong hiwalay ang buildings ng mga Pilot Sections. Sama-sama ang mga pilot sections mula sa 1st hanggang 4th year at medyo malayo ito from other bldgs. Napansin ko ring medyo malapit siya sa mapunong lugar at garden. And it's a four-storey building.

Inakyat ko na ang building dahil ang bawat floor dito ay nagco-corresponds to their year level. Meron namang elevator kaya sosyal but I chose to walk instead para magmukhang haggard ako.

Antahimik ng hallway pero habang palapit ako ng palapit sa room ay palakas ng palakas ang tibok ng puso ko dahil baka malantad ang tunay kong pagkatao dito na mas narinig pa dahil sa katahimikan ng buong floor.

Nang makalapit na ako sa pinto ay may narinig akong nagtanong ng pabulong,

"malapit na ba siya?" Girl 1

"Malapit na ba yung nerd? Nangangalay na ako dito eh!?" Guy 1

"Konting antay na lang, malapit na siguro yun dito." Guy 2

"Shhh! Huwag kayong mag-ingay baka marinig tayo!" Girl 2

Binuksan ko ng mabilis ang pinto kahit na alam kong may prank silang gagawin. At mabilis din akong pumasok para magmukha talagang nagwork-out yung plano nila. Pagpasok ko ay nabuhusan ako ng flour, maligamgam na tubig, tunaw na butter at binato din nila ako ng itlog. Mukha na tuloy akong hilaw na pancake. Arghh. Kunyare gulat na gulat lang ako at bumaba ng mabilis kunware.

Dumiretso ako ng CR para magpalit ng damit, buti na lang at may extra uniforms ako kaso wala akong nadalang panyo or towel na pwede kong ipamunas sa buhok kong binanlawan ko. Arghh. Kung minamalas ka naman, dapat pala hindi na lang ako pumasok muna. Una, tinamaan ako ng bola ng soccer tapos sunod ito, wag niyong sabihin uulan din mamaya or something. Sinuot ko na lang yung salamin ko at lumabas ng CR.

"Oh!" May inabot na towel yung kuya na pamilyar ang mukha. "Sorry pala kanina ah. Yung dun sa may bola at yung prank sa room. Sige, bye!" Sabi ko na eh, sya yung kuyang nakatama sa akin ng soccer ball. Mukhang nakonsensya siya sa akin, but something's off here. Kung nasa room siya kanina, paano siya nakarating agad dito? Ahh, baka gumamit siya ng elevator. Pero parang hindi siya yung kanina. Ewan lang.

Bumalik na lang ako ng room at namark akong late on my first day of school. Nadoon na kasi si--- wait, siya yung sir kanina ha. Yung sa 4B na nakasalubong ko.

"Good morning class!" Masiglang bati niya sa amin. Siya talaga yung nakasalubong ko, 100% sure.

"Morning sir!" Kanya-kanyang bati ng mga estudyante.

"Oh, ikaw yung nasa tapat ng 4B kanina diba? Kabilang ka din pala dito. Sabi ko na nga ba eh. Mukha kasing mataas ang IQ mo. Haha." Bati niya sa akin at nagbow lang ako sa kanya.

"So ang seating arrangement natin ay nakabatay sa IQ niyo. Sa dulo ang may pinakamataas na IQ at sa unahan ang hindi masyado para matutukan. So... Uhmm. Uhuh... So Keith Adrian Velasquez na may 230, sa pinakadulo. At... Uhmm... Si... Uhuh... Susundan ni Khael Alexis Velasquez na may 220..."

"Ay wait. Si Aly Alfonso pala ay may 228. So pangatlo ka lang sa seating arrangement Mr. Khael." So iba nga talaga ang nakatama sa akin kanina ng bola at iba din ang nagbigay ng towel. Kaya pala iba yung boses. Wow. So wow.

At ngayon, napapaligiran nila ako. Si K1 at K2. Arghh. K. Yung letrang yun. Haistt. Eto na lang. The good man and the bad man.

I. Think. This. Is. Going. To. Be. Hell.

I can't wait anymore.

So let's just keep going.

Fighting.

MY FIRST LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon