Akala talaga ng mga boys hindi makakahabol ang mga girls eh. Pero sorry sila, isa ako sa mga nakalaban nila at pro ako pagdating sa archery. I never missed kaya. Bull's eye palagi. Mala-hawk eye na nga, malakas pa pandinig at pang-amoy. Enhanced na enhanced ang aking senses.
Biglang may lumapit kay ma'am Evangelista na lalaki and if I'm not mistaken sa aking narinig, tinawag siyang Je ni ma'am which means yun ang nickname niya.
"Grabe luto yung laban kanina. Madaya yung mga girls. Balita ko may isang babae na nagpatumba kay Khael eh. Dapat out na yung babae na yun. Nansasabotahe ng ibang grupo."
"Edi dapat hindi nagpatumba yang pinagmamalaki mong Khael para hindi kayo nabawasan ng sharp shooter. Kami pa sinisi mo ha. At saka hindi lang naman siya ang nagpapanalo ng grupo eh. Nagtulungan kaya silang lahat!"
"Kahit pa. Kinakampihan mo lang sila kasi babae ka rin eh. Hindi naman yata talaga yan magaling ang pinagmamalaki mong babae, malay mo sinwerte lang siya kanina. Buti na lang naisipan mong painumin sila ng kape at pinalayo mo pa yung distance ng target nila."
"Patutunayan ko sayo na hindi lang yun dahil sa swerte. Manood ka lang."
"Sinwerte lang siya kanina. Boys pa rin ang magwawagi! Hahahaha!"
"ASA KA NAMAN!"
Sa inis ko dun sa lalaki ay pinana ko yung iniinuman niyang botelya and bull's eye, tumagos ang pana sa bottle at natapon ang tubig. Gulat naman silang lahat sa bilis nabg pangyayari. Never mess with me, you'll never win. Napanganga silang lahat sakin. Nagflip ako ng hair para ipamukha sa kanyang sa akin nang galing yung pana. Hmmm. I smell detention. Badtrip kasi yung lalaking yun eh, minamaliit ang ability ko.
Ramdam kong nakamasid pa din sa akin yung katabi ko so pinosisyon ko na lang ang sarili ko sa pagpana sa target. Lumingon muna si ma'am sa amin bago sumipol which means umpisa na ng laban namin ni Keith. Pana lang akong pana in a swift movement. Kailangan mo kasing maging kalmado para sapul ang target mo. Hindi ko tinatanggal sa focus ang mata ko hanggang sa 20 seconds remaining na lang ang natitira. Nagtatatalon sa tuwa si ma'am habang inaasar ang lalaking katabi niya.
May napansin akong kakaiba sa surroundings namin. Parang may nakamasid but I'm not sure if sa akin siya nagmamasid o sa ibang tao. Medyo luminga-linga naman ako sa kung saan-saan at sa di kalayuan, may nakita akong janitor ata na manyakis ang nagvivideo kay ma'am habang tumatalon siya at tumatalbog ang boobs niya. 10 seconds. Pinosisyon ko ang sarili ko at sa loob ng 3 segundo ay pinakawalan ko na ang pana sa bago kong target, at halos hindi maipinta ang mga mukha ng girls kaya hindi ko alam kung matatawa o maaawa ako sa kanila.
Nasapul ko ang kamay ng target without even harming the only solid evidence I had.
Pumito ulit si ma'am. Tumakbo ako sa target ko at tiningnan ang kalagayan niya dala and tatlong arrows at bow ko. Pagkarating ko sa kinalalagyan niya ay nakita ko syang namimilipit sa sakit, kinuha ko naman ang videocam na hawak niya kanina gamit ang panyo ko. Lumapit na sa akin sina ma'am, si Keith at ang iba ko pang mga kaklase kasama yung lalaking sinampolan ko kanina.
"Anong meron?"
"Anong ginawa niya?"
"Kawawa naman yung lalaki."
"Grabe kailangan niya bang maging ganto talaga?"
"Ahhhhh!!!! Dugoooooo!!!!"
"Shit! Nakakadiri! Nakakasuka! So gross!"
"Ano ba talagang nangyare? Bakit mo ba sya pinana Miss Alfonso?" Tanong sa akin ni ma'am.
" Because I saw him..."
"Dahil lang nakita mo siya pinana mo agad siya. Kaya mo ba ako pinana kanina? Kasi nakita mo rin ako? Ganun ba? Would you please give me an acceptable reason!?" Tanong nung lalaking Je ata ang palayaw.
"Could you please listen to me first and let me finish what I'm about to say?! Ganto kasi yan. Nakita ko siyang minamanyak si ma'am habang tumatalon siya kanina at nandito sa videocam na ito ang proweba ko. And may reason din ako kung bakit kita pinana kanina... Masyado mo kasing minamaliit ang abilidad naming mga babae kaya sinampolan kita, buti nga sa tubigan mo lang eh, balak ko sanang panain yang kamay mo kanina kaso naisip kong paano ka makapagsusulat at makapagtuturo kung kamay mo yung tatamaan ko." Paliwanag ko sa kanilang lahat sabay abot ng videocam kay ma'am.
"Wow! Narinig pala niya yung sinabi mo kanina. Hahahaha. Bilib na talaga ako sayo Aly." Sabi ni ma'am.
Kinalkal na nina ma'am yung videocam habang binabantayan namin ni Keith yung lalaki. Natuklasan nilang hindi lang si ma'am ang minamanyak nung janitor na ito, marami sila.
"Wag ako ang bantayan mo, yung lalaki na yan. Promise wala na akong gagawing masama." Sabi ko sa kanya dahil nakatitig lang siya sa akin. Pinutol niya naman ang tingin sa akin. "Paano ako makakasigurado eh hawak mo pa rin yang bow mo?" Tanong niya sa akin. Binaba ko na lang ang bow ko at inirapan siya. Badtrip, feel na feel ko pa namang humawak ng bow and arrows. Binaba ko lang pero hindi ko pa rin binibitawan.
"Tara, dalhin na natin yang gagong yan sa office!" Sabi ni sir. Hindi ko pa rin binibitawan ang bow at arrows, just in case.
Habang naglalakad kami ay nakarinig ako ng putok ng baril, although faint lang kasi parang nakasilencer siya. Nakakabahala naman, ibig sabihin may taong nasa malapit lang ang nagpaputok ng baril. Nagulat na lang ako ng biglang nagstumble yung janitor. Shit. Bumubula ang bibig niya at amoy almonds which means he is poisoned. Potassium cyanide probably. Kinapkapan ko naman siya agad para malaman kung bakit siya nalason and after a minute nahanap ko din ang posibleng way kung paano siya nalason. Nasa bandang dibdib niya ang isang maliit na syringe which means binaril siya at nasa bandang harapan lang ang shooter niya. Lumingon ako sa mga nakapaligid sa amin lalo na yung mga medyo malayo or nasa mataas na lugar. I spotted a man in black with a gun. Pinana ko ang lalaki at napana ko siya sa kanyang balikat. Pinuntahan ko siya habang hindi binababa ang bow para just in case. Tatakbo pa sana si kuya habang palapit ako,too bad mas mabilis akong kumilos kesa sa kanya kaya tinamaan ko ang binti niya.
Agad siyang hinawakan ni Sir Je kaya bumalik ako sa bangkay ng lalaking janitor. What surprised me the most is yung nasa pulsuhan niya ng maglalakad na sila paalis doon. Tinignan ko din ang pulsuhan ng bangkay ng janitor at parehas lang ang nasaksihan ko. Kaya siguro niya niligpit ang janitor na ito, para di sila mabisto. Kaya siguro potassium cyanide ang ginamit nilang lason sa kaniya. Potassium is K and K is potassium.
'K'...
I think they're the same guys that I loathe the most.
...
...
...
...
...
I think they're the same guys that killed my mother.
BINABASA MO ANG
MY FIRST LADY
Teen FictionTAGLISH - ONGOING Drama. Romance. Mystery/Thriller. Fiction. Action Stories about mafiosos and gangsters are quite common nowadays. The rulers of this world are strong, bold, wise and have a perfect figure, pretty much everything but sometimes lacks...