30 minutes pa lang akong nakaupo sa tabi nung dalawa but it feels like forever, at hindi yun dahil sa kagwapuhan nila na makalaglag panga but dahil sa pagkukulitan nila lalo na nung demon na mapang-asar. Kung pwede lang talagang manapak, ginawa ko na eh. Tss.
"Oyyy! Soccer ball!" Tawag niya sakin. Pero hindi ako lumingon sa kanya kahit alam kong ako yung tinatawag niya. Nagsusulat lang ako ng nagsusulat ng mga nasa PowerPoint ni Sir. Alvarez.
"Hey, are you deaf? Don't tell me you're deaf. Kaya siguro kahit sigaw nako ng sigaw kanina, hindi mo pa din ako marinig." Bulong niya sakin.
"Shhh" pagpapatahimik ko sa kanya.
Nagulat naman siya sa actions ko pero napangiti siya.
"Wow! 대박! (Awesome!)" Hindi siya makapaniwala eh. "Oh,진짜아!?(really!?) 왜?(why?) " Akala niya siya lang marunong magKorean ah. Tss.
"Class at the back, could you shut your mouths up?" Tanong ni sir.
"Of course we can but sorry sir, we won't." Sagot naman nung katabi ko at tumayo pa talaga siya para may impact with matching pamewang. Naglagay naman ako ng takip ng bottled water sa inuupuan niya, yung nakatihaya pa kaya nung umupo siya napacurse siya ng malakas. Ansakit kaya nun kapag inupuan mo ng hindi sinasadya.
"AISHH. SHIT!" Sabi niya, at tumingin sa mga nakatabi niya at nung tumingin siya sakin, nagmaang-maangan lang ako.
Tinago ko naman yung bottle sa bag niyang walang laman bago siya umupo so wala nang ebidensyang magtuturo sakin bilang suspect. Hahaha.
"Sir, sorry po. Tatahimik na po kami at patatahimikin ko na rin po si Khael." Sabi ni Keith
"As usual, Mr. Keith, maaasahan ka talaga. Kaya karapat-dapat lang talaga na ikaw ang president ng SSG." Tugon naman ni sir.
"Bago magbell kopyahin niyo ito! Ito yung schedule niyo as a whole section at kayo ang bahala kung anong shift kayo papasok." Sabi ni sir at pinakita ang PowerPoint.
Monday, Wednesday, Friday, at Sunday.
"Gusto ko makikita ko yan sa filler niyo ah. Pagandahan tayo ng filler ngayong semester. Good luck!" Kanya-kanyang labasan sila ng mamahalin nilang cellphone. Tsk,tsk,tsk. Sabi ko na nga ba eh, mga millennial talaga ngayon. Gadgets na ng gadgets puro na lang gadgets. Kinuha ko na lang ang ballpen ko at scratch paper at sinulat yung nasa schedule.
"Oy soccer ball, wala ka bang cellphone at nagpapakahirap ka dyang kumopya?" Hindi ko lang siya pinansin dahil wala ako sa mood.
Hayy, bahala siya diyang mangulit. Nakakairita na siya eh. But I noticed kanina na napatingin sa akin si Keith nung nilalagay ko yung takip ng bottled water sa upuan ni Khael pero hindi man lang siya nagsumbong kanina. Hmmm. Baka nalove-at-first-sight sakin kaya hindi ako sinumbong? O baka naman pacool lang siya kanina at nagkukunwaring may halo sa ulo? Hayyy. Ikakain ko na nga lang ito.
Dumiretso ako sa built-in fast food chain dito sa C.U. pwede ka naman kasing mamili kung sa fast-food ka o sa restaurant dito sa loob,pero since naka cover ako ngayon, banned ako sa mga mamahaling restaurant at sa pipitsugin lang akong f.f.c. Dumiretso ako sa chain na may estatwang bubuyog na naka coat ng red at may red-yellow na pwetan at may maliit ding pakpak na sa liit nun ay mapapaisip ka kung nakakalipad pa ba siya o hindi. Hindi naman ako matakaw kumain pero kailangan kong magkaroon ng bad impression sa mga studyante dito kaya umorder ako ng napakadaming pagkain. Burgers, Fries, Spaghetti, Chicken at madami pang iba at higit sa lahat ay... SUNDAES! Whooo. Yummy. Masshida.
Naglibot-libot muna ako sa gymnasium. Ayoko kasi sa garden kasi medyo mainit ngayon at laganap ang dengue.
Noong nasa court ako, natamaan nanaman ako ng bola pero this time, bola na siya ng basketball. Nalaglag naman yung mga gamit ko. Haystt, bakit ba ang malas-malas ko pagdating sa mga bola. Nung nilingon ko na kung saan nanggaling yung bola, nakita ko nanaman yung demonyo.
![](https://img.wattpad.com/cover/129188947-288-k520093.jpg)
BINABASA MO ANG
MY FIRST LADY
Novela JuvenilTAGLISH - ONGOING Drama. Romance. Mystery/Thriller. Fiction. Action Stories about mafiosos and gangsters are quite common nowadays. The rulers of this world are strong, bold, wise and have a perfect figure, pretty much everything but sometimes lacks...