Astra Lumina

26 3 0
                                    

Hindi naman ganoon ka-abnormal ang araw ko, bukod sa abnormal na buntot nang buntot sa akin.

Class was dismissed a few moments ago at kahit hindi pa nakakaalis ang last teacher namin, andito na naman ang abnormal.

Napapabuntong hininga na lang ako dahil sa abnormal na Fruelan na ito. Masyadong masunurin kay kuya Vhon. Inayos ko ang spare na eyeglass na paslide na naman sa ilong ko. Yes, I'm carrying aspare eyeglass yun nga lang, mas maluwag ito kumpara sa nabasag kanina.

"Why are you following her around?" Takang tanong ng katabi ko na si Keith.

"Well... Maybe... I'm just following my heart." Napanganga naman ako sa sinabi nya. How dare he.

Nginitian nya lang ako and he wiggled his eyebrows while glancing at Keith.

Pshhh. Isip bata...

Tumayo na ako since ang dami ko pang kailangan asikasuhin for the preparations.
Nagulat naman ako ng biglang kunin ni Froi ang bag ko mula sa pagkakasukbit nito sa balikat ko.

Sa inis ko, marahas ko itong nilingon.

"Take your dirty hands off my bag. I'm not a cripple so back off." I snapped. Ewan ko ba. Just one abnormal person like him makes me have a temper.

Napaatras naman sya sa takot siguro at itinaas nya pa ang dalawa nyang kamay. Dahan-dahan nya namang inabot sa akin ang backpack ko.

Matapos noon, umalis na agad ako sa building namin. Tinext ko naman sya using my other phone na dumiretso sa pinagbabaan ko kanina na alley. I gave him 15 minutes para makarating sa tagpuan namin.

Nagreply sya ng 'copy'. Kaya doon na rin ako dumiretso. Mukhang sa apartment ko na lang ito mananatili. Yung may-ari ng apartment na tinutuluyan ko ay isa sa mga dating reapers ng mafia. Isang prebilehiyo raw ang makatulong sa amin kaya dito na kami ni kuya Blue naninirahan.

Si kuya Blue ang isa ko pang pinsan from dad's side. He's also my guardian. Sa kanya rin ang apelyido na gamit ko during my cover. Sa fake birth certificate ko nakalagay doon na legitimate brother ko sya.

After almost 10 minutes, nakarating na rin sya. Good. Kailangan kasi, mas maaga ka sa assigned time na pagdating mo, lalo na pag mas mataas ang ranggo ng nagbigay ng time for your arrival.

Tinahak na namin ang daan pauwe. I need to freshen up and wear something formal bago ako pumunta sa meeting. Our meeting will be at 5 sharp.

When I get home, tumambad sa amin si kuya Blue na hawak-hawak ang isang newspaper. He didn't bother to take a glance at me but when my company entered the room and shut the door, he pulled out his gun from I-don't-know-where at itinutok iyon sa kasama ko.

"Nah, he's with me." Kuya Blue didn't ask me further questions. Siya lang ang pinsan ko na di masyadong tinatanong ang desisyon ko. He goes with the flow and respects my decisions. He hid his gun again but nevertheless, he didn't take off his eyes from Froi.

I went to the kitchen to grab something to eat. Inaya ko rin ang dalawa sa pagkain and when they tried to refuse my offer, I gave them my death glare.

Napasalampak naman sila ng upo at kumuha na rin ng makakain.

Kuya Blue cooked some chicken curry which is one of my fave foods na niluluto nya. Ang sarap nya kaya magluto. Husband material talaga... Gwapo, hot af, mayaman, marunong magluto, multilingual, tapos kaya kang ipaglaban... Lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki nasa kanya na. Kaso pinsan ko sya... Chour.

Nagsusukatan lamang ng tingin ang dalawa at hindi pa rin sila nagsisimulang kumain. Ayoko talaga ng away sa harap ng pagkain kaya yung tinidor na hawak ko, ayun, marahas kong tinuhog sa manok at minatahan silang dalawa. Dahil sa ginawa ko, kapwa sila nag-umpisa ng kumain.

MY FIRST LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon