Detention

56 7 4
                                        

Matapos ang insidente kanina ay dumiretso nako sa room. Baka mamaya akalain ni Sir nagcu-cutting classes ako.

Dahil di pa rin maganda ang mood ko, dire-diretso lang ako hanggang sa nasa tapat na ako ng seat ko.

"Excuse me." Sabi ko in a sweet voice but mind you I'm just suppressing my anger and annoyance. "Bakit? Gusto mo rin bang makijoin sa grupo namin nina Keith sweetheart? Too bad kasi lima na kami sa grupo." Sabi nya na pinantayan din ang sweet voice ko.

"Don't worry, tapos nako sa group work in just 3 minutes, that's just a piece of cake so hindi nako nakigroup sa iba. At isa pa, mauupo na kasi sana ako however your sitting on my supposedly seat so..."

"Ahhh, ito ba kailangan mo?" Sabay turo nya sa seat ko. "Hanap ka na lang ng ibang seat diyan. Occupied na kasi ito by none other than...me."

"Sorry but that's my assigned seat so I won't find another one just because you told me to. Kung gusto mong maupo katabi niya, mag-aral ka ng mabuti at pataasin mo ang IQ mo para wala kang ibang inaabalang tao." Padabog syang umalis sa upuan ko at kasabay non ay ang pag-upo ko with my poker face. Napatingin naman silang lahat ng tumawa bigla si Keith na katabi ko.

"What?" Tanong nya na mukha pang nagmamaang-maangan. Napa-iling na lang ako sa inaasta nya.

Keith's POV

I really am amazed with this lady beside me. Kung kanina, nagawa nyang patumbahin si Khael, at nagawa nyang makahuli ng dalawang masasamang loob; ngayon, nagawa niyang pataubin ang spoiled brat na si Cara Madeline. Naalala ko tuloy yung kaibigan ko nung bata ako.

*****(Flashback)

"El, alis ka diyan. Niaagaw mo na naman yung upuan ko eh!" Sabi ni Lif.

"Eh, hanap ka na lang ng ibang upuan, gusto ko yung pwesto na to eh."

"Diyan ako eh. Tuwing naglalaro tayo dyan ako umuupo eh."

"A-yo-ko! Dito ako. Hindi ako aalis dito. Nauna na ako dito oh."

Hinila ng hinila ni Lif ang pinsan kong si Khael hanggang sa sya na ang umupo sa pwesto nya. Bumelat pa siya ng umiyak si Khael at bumulong na iyakin.

*****(End of Flashback)

Natawa naman ako by just reminiscing the old good days. Nagulat ako ng lahat sila ay napatingin sakin.

"What?" Maang-maangan ko na tugon sa kanila. Bumalik naman sila sa kani-kanilang ginagawa. Actually, dapat tapos na din ako dito dahil wala pang 5 minutes ay pwede mo nang sagutan ang lahat ng nasa board kaso dahil dinumog ako kanina ng mga kaklase ko at since groupwork ito, inantay ko sila.

"Finish or not, pass your answer sheets!" I confidently pass my paper. "Let's check!" Nakuha ko ang paper ni Aly at mapapansin mo na medyo nagulo ang sulat nya. Probably because of the commotion dito sa likod kanina. Sunod-sunod ang tama nya and now the moment of truth. Pinasa ulit namin ang checked papers namin at inannounce ni Sir ang scores namin.

"Aly Alfonso... 30 points congratulations!"

"Keith... God, what happened? You got a mistake? Aly, what is the meaning of this? You're his checker!" Sabi ni sir na di makapaniwala dahil first time kong di perfect sa subject nya.

"Sir, chineck ko lang naman po yung paper niya. Pink pa nga po ang pinangcheck ko dahil yun lang yung meron akong ibang kulay na pen."

"Sir, don't worry. It's okay. Baka po may nakaligtaan lang akong sagutan na isang bullet." Paninigurado ko kay sir.

"This is your first mistake in my class. I hope this won't ever happen again. Moving on, Cara Madeline... You got 10 out of 30. Paano ka ba napadpad sa seksyon na ito kung ganyan ang scores mo?"

"Ha? Sir, how could it be like that? 29 si Keith so dapat ganun din ang scores ko—" pagrarason nya na pinutol agad ni sir.

"Bakit? Nangopya ka ba sa kanya? Groupwork na nga yan, nangopya ka pa!?"

"I..." Sasagot pa sana sya kaso... "Go to the detention room after class!"

"Oohhh. Looks like umaasa lang sya sa groupwork. Mukhang may kasama na ako sa detention room mamaya ah." bulong ni Aly. Saka ko naalala ang nangyare sa gym kanina.

Hay. Pakiramdam ko tuloy hindi totoo na 185 ang IQ ni Cara. I think she's just using her connections. More of her dad's pulling some strings so she could be in the pilot section.

Matapos ang aming klase sa chemistry, ay agad na nagwala si Cara, as usual.

"Sino!? Sino!? Sino sa inyong mga hampas-lupa ang nagcheck sa papel ko? Sino ang tangang nagcheck ng papel ko!? Tell me!" Bulyaw niya sa amin.

"Kung sabihin kong ako ang nagcheck sa paper mo? Maniniwala ka ba?" Tanong ko sa kanya which infuriates her even more.

"I highly doubt that. Dahil hindi mo magagawang ibaba ang mga groupmates mo. Maybe, pinagtatakpan mo lang kung sino man walang-hiya ang nagcheck sa papel ko." Saad niya sa akin, which is partly true kasi hindi ko hahayaang ibaba pa ang mga kagrupo ko. Kaya nga sila nakipaggrupo sa akin para tumaas sila.

"A-a-ako a-ang nag-ch-check sa papel mo Cara." May halong takot na saad ni Dawn.

"Finally! Krizhyl Dawn Ariñas. Huh, I'll make sure that you'll pay for this!" Matapang na sagot ni Cara.

"Magkano ba? Magkano ba ang kailangan mo? May pa ' I'll make sure, I'll make sure ' ka pang nalalaman. Bakit ganyan ka ba kapag nabibisto ka sa mga kasalanan na nagagawa mo? Nagiging honest lang naman siya ah. Bakit mo sya pinagbabantaan? Wag kang magmataas, you lowly piece of a scum. Don't think so highly of yourself, you might fall down easily. Don't wear a crown if you can't bear its weight. You don't deserve to be in a pilot section. Magpakita ka naman ng kahit kaunting hiya, I can't help myself but feel sorry to you." Mahabang letanya ni Aly which makes every living soul flabbergasted.

Strike two ngayon si Cara which is new dahil sya ang palaging nagrereyna-reynahan sa room. Looks like may bago nang tinanghal na reyna. The current score is 2-0 at hindi makabawi si Cara sa ginawa ni Aly kaya mukhang dadaanin niya sa dahas. Sasampalin sana ni Cara si Aly pero hindi man lang natinag ang huli. Natulala si Cara at parang nagtititigan na lang sila ngayon. Pakiramdam ko ay natatakot siya sa titig pa lang ni Aly. Pataas ng pataas ang tensyon sa room at walang ibang gustong makihalo sa laban nilang dalawa nang biglang bumukas ang pinto na kinagulat naming lahat.

- - - - - - -
Sino kaya ang nagbukas ng pinto? May madadagdag na naman bang character sa story? O trip lang ni author na ilagay ang suspense na moment na iyon? O baka naman dahil 2 years ng postponed ang pagpublish nya ng chapter kaya nakalimutan nya na kung sino ang taong darating sana....

MY FIRST LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon