The whole week had passed easily. Ngayonng Biyernes ay nag-aabang na lamang kami ng announcement. And by 3 i-popost ang list ng mga sasali.
Hindi magkaugaga yung mga katabi ko. Yung isa pabalik-balik sa room since president sya at yung pinsan nya naman ay walang humpay na nangdadaldal sa akin. Nakakarindi na nga ihhh. Nakakahilo talaga silang dalawang magpinsan. Yung pasensya ko konti na lang at mauubos na.
At dahil bitch mode na naman ako, marahas akong tumayo sa pagkakaupo ko dahilan para makuha yung atensyon ng mga kaklase ko.
I stared at them as cold and as blank as I can. Napatayo naman ang dalawa kong reaper na parehong nakikiramdam. Pinasadahan ko ng tingin ang lahat ng mga kaklase ko at mabagal na umalis sa classroom. Dumiretso ako sa isa sa mga puno na malapit lang sa building namin at inakyat ito. Madali lang naman umakyat ng puno at dahil konti lang ang mga estudyanteng dumadaan rito ay hindi ko na kailangan pang mamroblema na baka may makakita sa akin.
Humanap ako ng pwesto sa puno na pinakakumportable sa pakiramdam ko. But after a few while, naramdaman ko na may nakamasid sa akin. Nagpalinga-linga ako sa kinauupuan ko at doon ko nakita si Oli. Actually mas kumportable pa rin ako na tawagin sya sa codename nya na X but since nasa school kami, I need to call him Oli.
"The hell are you doing here?" Tanong ko sa kanya na nakatayo sa sanga ng katabing punong kinalalagyan ko. "Guarding you." Sagot nya sa akin na animo'y ito ang pinakamadaling katanungan sa mundo at sinagot nya lamang ito ng kung ano man ang obvious.
Hinayaan ko na lang sya sa pagbabantay sa akin. Bukas mag-uumpisa ang elimination round para sa special class. And I can't really wait for that. Nagtagal pa kami ng ilang oras sa puno. At isang lumilipad na bagay ang naramdaman kong papunta sa direksyon ko. I swiftly moved to another branch kasabay ng pagland ng lumilipad na bagay na iyon. It was a throwing knife with a paper at its end. Kinuha ko ito using my handkerchief and a note put me into a sudden shock.
"You're next...
-K"
Shit. Ambilis talaga nilang kumilos. Parang kelan lang noong namatay ang mga kasapi nila, and now natrace na nila kung sinuman ang nakahuli roon.
Agad akong bumaba ng puno at patakbong dumiretso sa principal's office. Ipinakita ko sa kanya ang note at ang patalim. Saglit na nawalan ng kulay ang mukha ni tita at bumalik sa pagkaseryoso ang mukha nya. "I will gather the instructors today at kahit bukas pa ang elimination round, ipapakilala ko na sila sa mga nagpasign-up. Paki-announce na lang sa mga sumali na magkakaroon ng meeting sa Assembly Hall. " Tumango naman sa akin si tita kaya naman I made my rounds around the campus. I texted Froi to check the northern part of the campus to check for anything unusual. While sa southern part naman si X. Ako naman ang nag-ikot-ikot sa western ang eastern part.
Wala namang kakaiba sa mga studyante at staffs na dumadaan dito. Hindi ko rin nacheck kanina ang lugar na pinanggalingan nung patalim. Damnit. Bakit ang bobo ko dun.
Nang masiguro kong wala namang kakaiba sa eastern and western part ng school ay dumiretso ako sa punong pinagtambayan ko kanina. Mula sa kinauupuan ko at sa posisyon ng patalim ay tinrace ko kung saan ito nanggaling. Dumiretso ako roon akala ko wala roong tao but to my surprise nakita ko si X kasama ang isang walang malay na lalaki. I asked him about the situation at sabi nya noong tumakbo ako papunta sa kung saan, dumiretso sya sa lugar kung saan nanggaling ang patalim at doon nya namataan ang lalaki. He subdued the man bago pa man ito makatakas. I checked the man's wrist at subalit wala itong kahit na anong tattoo na magpapatunay na may kinalaman sya sa K.
BINABASA MO ANG
MY FIRST LADY
Teen FictionTAGLISH - ONGOING Drama. Romance. Mystery/Thriller. Fiction. Action Stories about mafiosos and gangsters are quite common nowadays. The rulers of this world are strong, bold, wise and have a perfect figure, pretty much everything but sometimes lacks...