James POV
Fuck!
May traidor sa barkada namin!
Sabi ko na eh, buti nalang nanunood ako ng mga movie tungkol sa mga zombie kaya alam kong hindi mawawala ang mga traidor. Hindi ako mapakali dahil hindi ko lubos ma isip na meron nga talagang traidor samin, sa tagal naming magkakasama pero bakit nya nagawa to?
Kasalukuyan akong naglalakad pababa ng kwarto ko at kahit masakit ang paa ko, kinakaya at kakayanin ko parin. Kahit ang sakit sakit na! Hindi parin ako susuko!. Nakaupo silang tatlo sa sofa at nanunuod ng TV. May TV naman sa sarili nilang kwarto eh bakit nandito pa si- ah balik tayo sa traidor.
"Guys"tawag ko sa kanila.
"Oh?"-Joven
"Naalala nyo yung binigay nyong susi?"sabi ko.
"Oh bakit anong nangyari sa susi? Nalunok mo? Di nako magugulat"-Joven
"Diretsuhin mo na kasi"-Klint
Seryoso ko silang tiningnan.
"May traidor satin"sabi ko.
"Huh?"-Klint
"What?"-Joven
"?"-Juan
Nakita kung nanlalaki ang mata ni Joven, ay malaki na nga talaga yun at saka pinagpapawisan sya, si Juan naman kumunot ang noo. Si Klint naman ay nagtatakang tumitingin sakin.
"Paano mo nasabi?"-Klint
"Diba ako yung nagtago ng susi?"tiningnan ko sila "Tinago ko yun sa drawer ko kasama yung chocolate ko at alam nyo ba kung anong nangyari?"pabitin kung sabi.
"Pabitin pa"-Joven
"Ano?"-Klint
"Ninakaw yun"sabi ko.
"Huh?"-Klint
"What?"-Joven
"?"-Juan
Nakita kung nanlalaki ang mata ni Joven, malaki na nga talaga yun at saka pinagpapawisan sya, si Juan naman kumunot ang noo. Si Klint naman ay nagtatakang tumitingin sakin.
Tangina na ulet lang eh.
"Ninakaw yung susi?"-Klint
"Paanong-"-Joven
"Hindi, yung chocolate ko yung ninakaw"sabi ko.
Saglit silang natigilan.
"Tangina chocolate lang pala eh"-Joven
"Chocolate lang? Anong chocolate lang? Ugok chocolate ko yun. Akin yun! At chocolate ko yun. Tapos sasabihin mo chocolate lang? Palibhasa kasi wala kayong mga chocolate kaya Parang wala lang sayong sabihin yun. Di nyo kasi alam ang pinagdadaanan ko dahil lang sa chocolate na yun."galit kung sabi.
"Chocolate ka ng chocolate. Chocolate lang narinig ko"-Klint
"Eh chocolate ko yun eh"sagot ko.
Magkakamatayan na to!
"Alam nyo ba kung sinong-"naputol ang sasabihin ko ng magsalita si Joven.
"Ang gwapo mo yata ngayun James ah"-Joven
"Sandali la-"naputol ulet.
"Oo nga no? Ay kaya pala, kakatapos lang maligo eh. Fresh mo na"-Klint
"Oo gwapo ako at alam ko yun. Pero balik tayo sa-"kainis kanina pa to napuputol ah.
"Tama ba tung nakikita ko? Shit sira na ata mata ko, parang kumikislap yung mukha mo. Grabe ang gwapo mo na talaga"-Joven
"Sus ngayun nyo lang napansin? Ang tagal na nating magkasama eh. Oo gwapo ako at alam ko na yun. Pero balik tayo sa- wait! asan na nga pala tayo?"tanong ko dahil hindi ko na maalala.
BINABASA MO ANG
I Woke Up On Zombie Land
RandomPaano kung nagising kayo ng mga BARKADA mo sa isang lugar na napakaraming mga ZOMBIE. Anong gagawin nyo? Kami? Ewan ko.