Chapter 25: Twin

103 6 1
                                    

James POV

Nakalimutan ko saglit ang bangungot na sinapit ng headset ko dahil sa dalawang lalaking nakita ko.

Ang galing din nilang makipaglaban sa mga zombie kahit outnumber at dehado sila. Dami kaya ng mga zombie dun.

Sumugod din kami para tumulong dahil may nakita kaming iba pang lumalapit na napakaraming mga zombie sa direksyon nila.

Habang tumatakbo, binabaril lang namin ang mga zombie na malapit sa kanila. Nakita kong gulat ang reaksyon nila dahil nakita nilang nagbagsakan ang ibang mga zombie kahit hindi nila binabaril. Napalingon sila samin kaya nang nakita nila kami, nag iba ang reaksyon nila.

Patuloy lang kami sa pagbabaril sa mga zombie hanggang sa makalapit ang dalawang lalaki samin.

Kinuha ko ang isang granada sa bag ko.

"Hawakang mabuti ang granada, tanggalin ang pin at itapon sa mga zombie" pagrerecite ko.

Agad kong tinanggalan ng pin ang granada at binigay kay Joven na tinanggap naman nya.

"SHIT!"-Joven

Nakita nyang wala na yung pin kaya nagulat sya at tinapon ang granada sa mga tumatakbong mga zombie.

3

2

1......

Booooooom!

Nakakabinging pagsabog ang narinig namin kaya napatakip kaming lahat ng mga tenga namin.

Kitang kita ko kung paano nagliparan ang ang katawan ng mga zombie at nagkapira piraso.

Kumalat ang mga parte ng katawan nila sa kung saan saan.

Humupa na ang nakakabinging pagsabog.

Narinig ko ang pagbati ni Joven sa ginawa ko na nakapagligtas sa aming lahat.

"Tangina mo James. Tinanggalan nya nang pin yung granada at binigay pa sakin. Pano kung sumabog agad yun? Edi patay na tayo"-Joven

"Naninigurado lang ako, baka kasi makalimutan mo" sabi ko.

"Salamat, ang bait mo pala" sabi nya saka binatukan ako.

"Aray naman!" Reklamo ko.

Lahat sila ay natawa habang nakatingin sa amin.

"Umalis na tayo dito. Marami pang paparating oh" sabi ni Klint sabay turo sa mga zombie na naglalakad sa malayo.

Nagsimula na kaming tumakbo paalis. Hindi na kami nakita ng mga zombie dahil nakalayo na kami kaya tumigil na muna kami sa pagtakbo at naglakad nalang.

"Anong pangalan nyong dalawa?"-Klint

Napatingin naman ang dalawa kay Klint habang naglalakad.

"I'm Stan and this is my Twin Brother Ai"-Stan

Oo nga no? Magkamukha pala sila.

"Cool!"-Joven

"Mas gwapo nga lang ako"-Ai

"Nope, ako yung mas gwapo"-Stan

"Nadagdagan na naman tayo ng dalawang James"-Juan

"Gwapo naman talaga ako eh"-Ai

"Ako yun"-Stan

"Suntukan nalang kayo, para malaman natin kung sino yung mas gwapo" sabi ko.

"Ayaw! Baka masira ang mga mukha namin"-Ai

Ang talino nya.

Nagpakilala na ang mga kasama ko maliban sakin kaya napunta sakin ang atensyon nilang dalawa.

I Woke Up On Zombie LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon