Joven POV
Isang araw na ang lumipas pero di parin kami lumalabas ng bahay dahil may dala naman kaming mga pagkain sa bag namin.
Di ako makapaniwala dahil sa bilis ng pangyayari. Parang kahapon lang, kasama kapa namin James. Ang bilis mo namang nawala at kinuha samin. Di mo manlang ba naisip ang mga kaibigan mong naiwan? Napaka selfish mo naman! Naalala ko pa noong palagi kitang inaasar, tapos bigla ka namang babawi. Natatawa nga ako ngayon eh. Pero dahil wala kana, wala nang magpapatawa samin dito.
Nararamdaman kong nanunubig na ang mga mata ko.
Yung mga alaala nating apat na magkakasama at kung paano natin harapin ang mga zombie at iligtas ang mga babae at ibang survivors na nakita natin. Masaya ako sa tuwing naalala ko ang mga nangyari sa mga panahong yon. Madami pa sana tayong adventure na haharapin eh, kaso sumuko kana kaagad. Ang daya mo naman! Kung pagod kana, pagod na din kami. Pero sana naman, di mo muna kami iniwan agad.
Tuloy tuloy na ang naging pagbagsak ng luha ko.
James kung nasaan ka man ngayon, sana masaya kana dyan.
Sana makita mo na ang katahimikang noon mo pa hinahanap. At sana ay wag mo kaming kalimutan dahil hindi namin magagawang kalimutan ka. Salamat sa lahat, kaibigan. Malaya kana!Sige na, magpahinga kana.
You may now rest in peace.
"Kailan tayo pupunta sa gun store?"-James
Tangina, sabing magpahinga kana eh! Nag eemote ako dito! Nagpapractice ako ng sasabihin ko kung sakaling dumating ang oras na mangyari ulet yun kay James.
"Tol, kailan ka mawawala? Magpahinga kana kasi!" Sabi ko.
"Mamaya"-Klint
"Excited na kasi akong kumuha ng silencer para sa desert eagle ko. Joven anong pinagsasabi mo?"-James
"Wala! Ang gwapo ko. May connect yan, hanapin mo lang" sabi ko.
Nahilo pala sya dahil bigla syang tumayo mula sa pagkakahiga kaya siguro umakyat yung dugo nya o nahampas ng hangin, ewan ko kung anong tawag dun.
Naranasan ko na rin dati yun e. Yung nakahiga ka then bigla bigla ka nalang tatayo tapos mararamdaman mong bigla ka nalang mahihilo.
Kinabahan talaga ako dun. Kala ko kasi mamamatay na sya. Akala ko lang pala.
-Flashback-
Nagulat ako ng makita kong bumagsak si James sa sahig kaya agad akong napatakbo sa kanya.
Inalalayan ko sya gamit ang dalawa kong kamay.
"James, tangina wag ka namang magbiro ng ganyan" seryosong sabi ko.
Lumapit na rin si Juan sa amin ni James. Nagtataka at natatakot din ang iba naming kasama sa mga nangyayari ngayon.
"Hoy James, buksan mo ang mga mata mo. Nagbibiro kalang diba?"-Juan
"Tol naman, gumising kana kasi. Wag ka munang mawawala dahil aasarin pa kaya kita. Iiwan mo nalang ba kaming naguguluhan? Ikaw yung laging nag iisip ng plano kung ano ang gagawin natin kaya dapat kanang gumising" parang naluluhang sabi ko habang inaalog si James pero pinipigilan kong umiyak.
Nagpapanic na ang iba. Naririnig ko ang mga sinasabi nila pero hindi ko na pinapansin.
Di ko na alam ang gagawin ko. Tiningnan ko sya kung buhay pa. Humihinga pa naman sya kaya gumaan ang pakiramdam ko.
Napansin kong gumalaw sya kaya nakaisip ako ng paraan kung paano sya gisingin.
Sinabihan ko si Juan na kunin ang cp nya at buksan.
BINABASA MO ANG
I Woke Up On Zombie Land
RandomPaano kung nagising kayo ng mga BARKADA mo sa isang lugar na napakaraming mga ZOMBIE. Anong gagawin nyo? Kami? Ewan ko.