Chapter 8: Virus Name

125 7 0
                                    

Klint POV

Nangunguna akong tumakbo hindi dahil sa takot ako kundi para mag guide kung saan kami pupunta. Pinuprotektahan din namin yung mga babae, ewan ko lang kay Beauty kasi mas asentado pa syang bumaril kesa kay James. Oo kay James lang, siniseryoso kasi namin yung training naming tatlo tapos sya puro laro at pasikat lang.

"Tangina James bakit ka pumasok at kumuha ng memory card dun? Gusto mong magpakamatay? Kung di pa siguro kita tinawag di kapa lalabas dun?" Sabi ko.

"Sabi mo gawin yung gusto in any form or by any means, diba?"-James

Di nako sumagot.

Wooh! Sarap nitong gulpihin at pakain sa mga zombie dahil sa kabibohan, bibong-bibo talaga. Palitan nyo nalang yung I ng O para compatible.

Dumaan ako sa mga part na walang zombie para hindi na kami mahirapan pa. Pinagbabaril padin namin yung mga zombie na humahabol samin hanggang sa marating namin yung labasan ng mall.

Pagkalabas namin ng mall ay agad naming sinara yung pintong salamin nito at kaagad sumakay ng sasakyan namin. Nagsisiksikan kami sa loob kasi maluwag, diba? Dahil masikip, paano walo kasi kami. Pinaharorot ko ang sasakyan namin at saktong nabasag yung pintong salamin at nagsipagtakbuhan ang mga zombie para habulin kami, pero malas nila kasi may sasakyan kami. Habang nagmamaneho ako, wala ng hanging gumugulo sa buhok ko dahil nakasarado ito pero ang cute ko pa ring tingnan. May nadaanan kaming motorsiklo na nakahiga at may katabing sasakyan na katulad nung sasakyan kong walang bubong, na nasa daan. May agad na pumasok na tanong sa utak ko.

"Pano pala kayo napunta dun?" Tanong ko.

"Nung nagkagulo kasi, naisipan naming magtago dun"-Pinky

"Aaah! K!" Sagot ko.

Agad kaming bumaba. Saktong may susi pa ang mga to. Iniwan siguro nung nagkagulo, ang tanga naman ng mga nun, may sasakyan na nga, iniwan pa. James capacity.

"Sino sa inyo yung marunong gumamit ng motorsiklo?" Tanong ko sa kanila.

"Si Pinky" turo ni Beauty kay Pinky.

"Wooh! Marunong ka?" Pang aasar ko sa kanya. Lagi nya kasi akong inaasar. Makabawi nga.

"Ay hindi, hindi ako marunong. Nanalo lang naman ako sa motorbike racing ng first place"-Pinky

"Ah, sige iwan nalang natin yang motor kasi di ka naman marunong. Diba?" Sabi ko.

"Tss!" Nakita kung biglang nadismaya sa sinabi ko si Pinky.

"Sige na, gamitin mo na. Baka kasi mamaya umiyak kapa" sabi ko.

Agad nya itong pinatayo at sinakyan.

"Beauty samahan mo si Pinky sa motor para may tagabaril kung sakaling may zombie. Juan ikaw magmaneho ng minivan at sasamahan ka ni James. Ako na dito sa isang sasakyan kasama si Joven at ang dalawang babae." Sabi ko sa kanila.

Sumakay na kami sa kanya kanya naming sasakyan. Katabi ko si Joven samantala yung dalawang babae naman ay nasa likod. Nagsimula na kaming umalis. Nangunguna ang mini van nina Juan na sinusundan ng motor ni Pinky samantalang nasa hulihan naman kami.

Napansin kami ng mga palakad lakad na Zombie sa gilid ng kalsada kaya nagsimula na silang habulin kami. Teka, bumilis yata sila.

"Hoy! Teka anong ginagawa mo?" Tanong ko kay Joven. Umupo kasi sya sa pinto nitong sasakyan habang bumabaril sya ng mga zombie.

"Bumabaril?"-Joven

"Eh bakit may paupo upo ka pang nalalaman dyan sa pinto? Pwede ka namang bumaril habang nakaayos ng upo dito sa upuan ah. Mamaya malaglag kapa dyan" sabi ko.

I Woke Up On Zombie LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon