Joven POV
Bilib talaga ako sa lamok na handang mamatay matikman lang ako. Ang dami kasing nangangagat.
"Simple lang. Hulaan kong sino ang traidor"-Klint
Naguguluhan, nagtataka at nakakunot noong nakatingin ang lahat kay Klint.
"Anong ibig mong sabihin?"-Harold
"As I said earlier, simple lang. Mag iisip tayo at huhulaan kung sino ang traidor satin"-Klint
"Anong pinagsasabi mo? Pano nagkaroon ng traidor satin?"-Christian
"Di nyo ba nahahalata? Kahit saan tayo magpunta parang alam ng mga zombie ang kinaroroonan natin, may nag uutos o nagtuturo sa mga zombie kung nasaan tayo. Noon ko pa kasi napapansin na parang may mali sa mga nangyayari pero hindi kaagad ako naniwala sa napansin ko dahil ayokong isipin na may traidor satin"-Klint
"Hindi naman natin maiiwasan yon diba? Halos kumalat na ang mga zombie sa buong Pilipinas kaya kahit saan tayo magpunta, paniguradong nandon din sila. Kaya normal lang na malaman nila kong nasaan tayo"-Christian
"Normal? Sige nga kung normal lang paki explain nga kung bakit nakakaiwas ng bala ang zombie, nakakapag isip sila kung paano tayo matatapatan tulad ng paggamit nila sa katawan ng ibang mga zombie para gamiting pangharang sa bala ng baril natin. Diba hindi na gumagana yung utak ng isang zombie? Pero bakit parang tao sila kung mag isip? Nalaman namin dati na may pwedeng magcontrol sa mga zombie pero hindi namin alam kung ano yun. Kung hindi isa sa atin ang nagcocontrol sa mga zombie, panigurado nasa paligid lang sya. Pero wala diba? Tayo lang yung nandoon"-Klint
"So, sino ang sinasabi mong traidor?"-Harold
Alam na naming apat nina Klint, Juan at James kung sino ang traidor pero tahimik lang ako habang nakikinig sa kanila.
"Ikaw!" Turo ni Klint kay Harold na ikinagulat ng lahat.
Nakita kong nagulat at natahimik si Harold dahil sa sinabi ni Klint. Maya maya ay nagkalakas loob itong nagsalita.
"A-anong ako?" Di makapaniwalang sabi ni Harold.
"Umamin kana, ikaw yung traidor diba?"-Klint
"N-nagbibiro kalang diba?"-Harold
"Tingin mo sa mga oras na to makukuha ko pang magbiro? Gapusin nyo sya"-Klint
Nakatutok parin ang tingin ko sa traidor na yon kaya nahuli ko syang nakangisi dahil sa mga nangyayari.
Mabilis na tumakbo ang mga kasama namin para hulihin si Harold nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang nagkukunwaring zombie na si James at agad sumugod papunta kay Bernard.
Nakita kong natataranta si Bernard kaya naglabas sya ng isang parang remote sa bulsa nya saka pinindot pindot habang nakatutok kay James na nakahawak sa kanya.
Agad nagflashback sa napakacool kung utak ang mga nangyari dati na parang nag fast forward dahil sa bilis. Zombie can be controlled through a re~ relasyon, relo, rehas, relation o relationship. Teka, can be controlled through a re~ wait, remote? Tangina tama nga si Juan.
"Shit! Agawin nyo sa kanya yang remote!" Sigaw ni Klint kaya mabilis na nagsipagtakbuhan kami kay Bernard para agawin ang hawak nyang remote at para hulihin at gapusin sya.
Tinali namin sya sa kamay at paa para di sya makatakas.
"Sorry kung ginamit kita, kaya namin kinuha ang mga baril para wala syang gagamiting panlaban satin sa oras na mabuko na sya" sabi ni Klint kay Harold.
"Tangina, kinabahan ako dahil akala ko ako na talaga yung traidor eh"-Harold
"Haha, sorry! We accused you as a traitor because our plan is to push him to the point that he would lower his guard and to be caught by his own action"-Klint
BINABASA MO ANG
I Woke Up On Zombie Land
RandomPaano kung nagising kayo ng mga BARKADA mo sa isang lugar na napakaraming mga ZOMBIE. Anong gagawin nyo? Kami? Ewan ko.