Klint POV
Hila hila ko ang kamay ni Pinky palayo sa mga kasamahan namin para turuan syang lumangoy.
Tumigil nako ng napansin kong medyo malayo layo na kami sa kanila.
"Ready kana?" Tanong ko sa kanya.
"H-ha? Uhmm oo"-Pinky
Habang tinuturuan ko sya kung paano lumangoy, tadyak lang sya ng tadyak ng paa nya. Hay nako!
"Ano ba yan. Para ka namang bata kung turuan eh" pang aasar ko.
Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko kaya napangiwi ako, ang kuko nya kasi bumabaon. Tangina ang sakit!
Ilang oras ko syang tinuturuan hanggang sa matuto na sya. Actually di pa marunong.
Habang hawak hawak ko kasi ang kamay nya, walang humpay naman ang pagkumpas ng paa nya. Tae! Tumatalsik pa sa mata ko yung tubig kaya ang pait tuloy.
Napagod na kami sa kakaligo buong magdamag sa dagat kaya tumigil na kami para magpahinga.
------------
Nagising kami ng mga 8am kaya yung iba pang natutulog ay ginising na namin para kumain.
Napag usapan naming lahat kagabe na aalis kami dito mamayang 9:30 para pumunta sa City para na rin alamin kung ano na ang sitwasyon dun at para tuklasin kung saan nagmula ang virus na to. Sinabi ko na rin na wag na din muna naming pag usapan ang mga kasama naming namatay dahil siguradong malulungkot lang kami.Hinanda na namin ang gamit na pwede naming gamitin. May mga bag naman kasi dito sa resort. Siguro pag aari ito ng mga dating pumunta dito na naging zombie na.
Nakita ko si James na palaging nanonood sa cp nya. Katabi nya si Bernard, close na close na talaga sila.
Wait, yung cp!
Teka lang, di ba nalolowbat yun?
Lumapit ako sa gilid nya para tingnan kaya napatingin sakin ang iba.
"WHAT?" Gulat kong sigaw.
"H-ha?" sabi ni James dahil napalakas ang pagkakasabi ko sa gilid ng tenga nya.
"Teka bakit 97% pa yang battery percentage mo? Di ba nalolowbat yan?" Tanong ko. Anong klasing battery yun?
"Guehehehehe, may solar kasi ako dito"-James
"Ha?"
"Ano?"
"Huh?"
"What?"
"Eh?"
Nakita kung may kinuha si James sa bag nya. Solar nga.
"Nakita ko to sa isa sa mga kwarto dito kaya kinuha ko" pangiti ngiting sabi ni James.
Ang talas ng pang amoy nya basta may connection sa Cellphone. Ano kaya yung pinapanood nya dun? Di ko kasi nakita dahil sa battery percentage ako nakatingin.
"Di mo manlang sinabi samin?"-Joven
"Ayoko! Makikicharge kalang e"-James
"Magkakaibigan tayong lahat dito kaya dapat sama sama lang tayo, nagmamahalan, nagtutulungan at higit sa lahat matuto tayong maging mapagbigay sa isa't isa. Kaya ang masasabi ko lang sayo pre, hindi ka nag iisa. Nandito lang kami sa tabi mo na handang tumulong sayo kung may problema ka. Kaya pre pa charge ako mamaya"-Joven
"Oo nga naman, I feel you tol, nakakatouch yung sinabi mo, tagos hanggang puso. Parang naiiyak na nga ko eh"-Harold
"Sige na nga!"-James
BINABASA MO ANG
I Woke Up On Zombie Land
RandomPaano kung nagising kayo ng mga BARKADA mo sa isang lugar na napakaraming mga ZOMBIE. Anong gagawin nyo? Kami? Ewan ko.