Chapter 17: Let's End This

101 6 1
                                    

Joven POV

Grabe!

Ibang iba talaga ako.

Ang astig at cool ko talagang mag isip kapag seryoso. Yung tipong nakakapanindig balahibo bawat salita at mapapaisip ka na lang. Yung feeling na di mo ma-iflash yung bumarang tae sa cr pero may susunod sayo na gagamit at magccr din.

"Ano ba tong naaamoy ko?"-James

"Gago di ako tumae" sagot ko.

"Pinagsasabi mo?"-James

Hindi nako nakipagtalo dahil simula't sapul wala naman talaga akong dapat ipaglaban.

"Amoy tubig dagat"-Jonas

"Oo nga no?"-Ace

"Puntahan natin" halos sabay na sabi ni Klint at Maurace.

Nagkatingin silang dalawa tapos may napansin akong spark.

The fuck!

Syempre joke lang. Patay ako kapag nalaman nila.

Naglakad lang kami ng naglakad hanggang sa wakas ay narating namin ang dulo ng gubat na ito.

Nakita ko ang nagkikislapang mga bituin at ang sinag na nagmumula sa bilog na buwan na nagbibigay liwanag para makita ang kagandahan ng paligid.

Astig!

Ramdam na ramdam ko rin ang paghampas ng sariwang hangin at lamig na bumabalot sa buong sistema ko. At ang mga ingay ng paghampas ng alon sa maputing buhangin na nagmumula sa malawak na karagatan.

Cool!

Naririnig ko yung mga kumento ng mga kasama kong namamangha din sa ganda na parang paraisong lugar.

Nag stay muna kami dito ng ilang oras para magpahinga dahil wala namang mga zombie sa paligid.

Habang naka upo ay nilaro laro ko ang mga buhangin sa paa ko habang pinagbabato ko ang mga nadadampot kong mga bato sa malawak na dagat.

Parang pakiramdam ko bumata ulet ako.

"Para kang isip bata"

Kunot noong napalingon ako sa biglang nagsalita sa likod ko kaya nalaman ko agad na si Harold pala yun.

"Strick yung parent ko kaya di ako nagpapaligaw, binabusted na agad kita" sabi ko.

Tumawa naman ito.

"Asan na yung girlfriend mo?" Tanong ko ng tumabi sya sa gilid ko.

"Nandon nagpapahinga kasama sina Quency at yung ibang babae"-Harold

Lumapit na rin sa amin sina Klint, Juan, James at ang ibang mga lalaki at nakipagkwentuhan hanggang sa dinalaw na kami ng antok at napagpasyahan naming dito nalang matulog at bukas na kami maghahanap ng titirhan at kasagutan sa kung saan nanggaling at kung bakit nangyari ang zombie apocalypse na to.

----------

Nararamdaman ko na para bang lumilindol dahil para akong niyayanig sa pagkakahiga sa lakas ng pagkakaalog sakin. Pagmulat ko ng mata ko, bumungad agad sakin ang nakakasuka at nakakaumay na pagmumukha ni James.

"Tol gising na! Aalis na daw tayo" sabi ni James habang inaalog padin ako.

"Hmmmmmm!" Tanging pag hmmm lang ang sagot ko sa kanya.

Hirap na hirap naman syang gisingin ako habang ako naman ay pasimpleng tumatawa na sa isipan habang nagpapanggap na natutulog parin.

Sarap mang asar.

I Woke Up On Zombie LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon