Chapter 10: The Kiss and Survivors

129 9 3
                                    

Klint POV

Petmalu kung pinagbabaril ang lalaking zombie na gustong kumagat sa kaawaawang bata kaya agad itong bumagsak.

Nakita kung tinulungang tumayo ni Pinky ang bata. Pwedeng pwede na syang maging nanay sa ginagawa nya.

Hinila ko yung kamay ni Pinky kasama ang bata at agad kaming tumakbo palayo dun. Hinahabol parin kami ng mga zombie. Grabe ang dami nila.

Tumatakbo lang kami kahit hindi namin alam kung saan pupunta. Naiwan pa yung motor kainis.

Maaabutan kasi kami kung sasakay pa kami dun. Babalikan nalang namin mamaya pag maayos na yung sitwasyon.

Maraming zombie yung sumusunod samin kaya mabilis kaming tumakbo pero agad kaming napatigil ng may nasalubong kaming mahigit sampung mga zombie.

Lumiko ako sa kanan papasok sa isang eskinita. Bakit di ako lumiko sa kaliwa?

Di kasi ako nangangaliwa! Tapos!

Tumatakbo parin kami sa eskinita at nagbabakasakaling maligaw yung mga zombie. Sa kakatakbo namin ay may nakita akong isang basurahan.

Explain ko yung appearance nito.

Bilog ito, kulay puti, gawa sa bakal, may design ng hello kitty at may nakasulat sa gilid na made in China saka nakatakip ito. Para malaman nyo yung basurahang nakita ko.

Okay balik na tayo sa zombie.

Dirediretso kami sa pagtakbo kaya nagulat nalang kami na dead end na pala.

Shit! Ano ng gagawin namin?

Di ako mapakali at nag iisip kung ano ang gagawin ko.

Tinulak ko si Pinky sa pader kaya napasandal ito. Mahina lang po yung pagkakatulak ko. Nilapit ko sa kanya yung bata at agad din akong lumapit.

Base sa sitwasyon namin ngayon, magkadikit na kami ni Pinky at nasa pagitan namin yung bata. Magkaharap yung mukha namin.

Nilagay ko yung baril sa bewang ko, agad kung tinakip yung isang kamay ko sa bibig ng bata at yung isa ko namang kamay ay nasa mata nya para di sya matakot. Nagsalita ako ng mahina.

"Walang gagalaw at walang magsasalita" sabi ko.

Nakita kong papalapit na ang mga zombie sa direction namin.

Halos malapit na yung mukha ng zombie sa gilid ng ulo ko. Pakiramdam ko hahalikan nya ko eh. Di nya ko nakikita kaya nakikiramdam lang sya kung may tao.

Kinabahan ako dahil napansin kung sisigaw na si Pinky sa ano mang oras.

Natataranta ako kung ano ang gagawin ko. Yung dalawa ko kasing kamay nakahawak sa bata. This kind of situations creeping me out. And I think I'm already getting frustrated.

Nanlaki ang mata naming dalawa. Nagulat sya sa ginawa ko at maski kahit ako ay nagulat din sa ginawa ko dahil sa bilis ng pangyayari.

I kissed her in order to stop her from doing some craziest act, she's on verge of screaming.

Fuck!

Nanatili lang kami sa ganoong sitwasyon sa loob ng dalawang minuto.

Walang kumilos o gumalaw saming dalawa habang magkadikit parin yung mga labi namin.

Nagulat ako ng may biglang kumalabog. Pang ilang gulat ko na ba to? Tinapos ko na yung paghahalikan namin.

Mukhang nagulat din yung mga zombie sa kalabog hahahaha!

Nagsisipaglapitan na rin yung mga zombie papunta sa pinanggalingan ng tunog.

Pusa pala yung lumabas galing sa basurahan kaso na sabit siguro yung paa nito kaya natumba yung basurahan, kaagad namang tumakbo ng mabilis yung pusa.

I Woke Up On Zombie LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon