Klint POV
Mabilis na tumatakbo si Maurace sa direksyon namin habang hinahabol ng mga zombie.
Agad kong pinatayo ang mga babaeng katabi ko at siniguradong di sila mapapahamak sa mga papalapit na zombie sa direksyon namin.
Hinanda ko ang baril na dala ko. Nagkanya kanyang handa naman ang mga kasama ko.
Kung kailan pa kami nagsasaya dun pa dumating ang mga tarantadong zombie na to.
Di pa kami pwedeng magpaputok dahil nasa unahan si Maurace at baka sya pa ang matamaan.
"Sa likod nyo!"-Maurace
Paglingon ko ay may mga zombie na biglang lumabas mula sa likuran namin kaya agad naming pinagbabaril ang mga to.
Pero dahil sa dami nila ay nagkagulo kaming lahat at nagkawatak watak.
James POV
Kasama ko ngayun si Joven, Beauty, Bernard, Quency at Zyana na hawak-hawak ni Joven. Binabaril lang namin ang mga lumalapit na mga zombie samin.
Si Klint naman kasama nya sina Suzzy, Pinky at Hanna. Mag isa lang sya habang pinuprotektahan ang tatlong babae.
Nakita kung tumatakbo sina Juan, Princess, Chao, Harold, Hazel, Bon at Ralph papunta kina Klint para tumulong kaya medyo nabawasan ang pag aalala ko.
Muntik ng hablutin ng zombie ang likod ni Klint dahil nakatingin sya sa tatlong zombie na binabaril nya pero buti nalang at tinamaan ni Bernard yung zombie na nasa likod ni Klint. Nagpasalamat naman ako kay Bernard dahil sa tulong nya.
May zombie na papalapit sakin kaya agad kung binaril ang ulo nito pero napayuko sya kaya hindi ito tinamaan, binaril ko naman ulet ang ulo nya pero agad na napaupo ang zombie na yun kaya hindi ko na naman natamaan.
Teka!
Paano nangyari yun?
Parang may mali.
Napatingin naman ako kay Joven dahil narinig ko syang tumatawa.
Binaril nya ang nakaupong zombie kaya nakahandusay na sa lupa to ngayon.
"Bakit ka tumatawa? May hindi tama sa mga zombie na to at nagawa mo pang tumawa" sabi ko.
"Hahahaha! Nakaapak sya ng santol kaya na outbalance tapos di mo nagawang tamaan. Gamitin mo kaya yung sniper mong desert eagle malay mo baka maheadshot mo pa"-Joven
"Ewan ko sayo!" Sabi ko.
Nakita namin sina Maurace at ang mga kasama namin na pinagtutulungan ang mga zombie na humabol sa kanya.
Marami paring mga zombie sa paligid at parang hindi maubos ubos. Kanina wala namang mga zombie sa paligid bakit ngayon biglang dumami. Para kasing may mali. Alam na alam ng mga zombie kung saan kami nagtatago.
Patuloy lang kami sa pagbabaril ng mga to para di sila makalapit sa amin.
Pero-
Nakarinig kami ng isang pamilyar na sigaw kaya agad kaming napatingin sa pinanggalingan ng ingay.
Nakita kung hawak hawak ni Junmark ang balikat nyang dumudugo, pero sa di inaasahang pangyayari ay bigla kaming napasigaw ng may kumapit sa katawan nya sa likod at bigla syang kinagat sa leeg kaya kitang kita namin kung paano tumalsik ang mga dugo mula sa leeg nya. Napapikit ako ng marinig syang napapahiyaw sa sakit. Walang kahit isang nakagalaw sa amin dahil sa pagkabigla. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mga putok ng baril galing sa ibang kasama namin na hindi nakapansin sa nakagat na si Junmark hanggang sa marinig namin si Arvie na nagmumura at nagsimula ng barilin ang zombieng kumagat kay Junmark.
![](https://img.wattpad.com/cover/129270160-288-k77356.jpg)
BINABASA MO ANG
I Woke Up On Zombie Land
RandomPaano kung nagising kayo ng mga BARKADA mo sa isang lugar na napakaraming mga ZOMBIE. Anong gagawin nyo? Kami? Ewan ko.