Juan POV
Nagising ako sa ingay ng mga babae sa tabi ng kwarto namin. Roommate ko si Klint. Si Joven at Harrold naman yung magkaroommate sa isang kwarto.
Sina Pinky, Suzzy at Quency sa isang kwarto, sina Beauty at Princess naman yung sa katabi naming kwarto. Sila yung maingay ngayun. Yung iba wala nakong paki kung sino sino pa yung magkakatabi.
Agad akong lumabas at pumunta sa kabilang kwarto para pagsabihan ang mga to.
Kinatok ko yung pinto pero walang pumansin.
Ilang katok na yung ginawa ko pero wala parin.
Okay? Nauubos na yung pasensya ko.
Binuksan ko yung pinto.
"Beauty asan na yong bra ko?"-Princess
"Aba ewan ko. Sayo yun bat sakin mo hinahanap?"-Beauty
"Yung polka dot kung bra?"-Princess
"Ewan ko nga"-Beauty
"Tayo lang yong nandito tapos wala na yung bra ko? Baka ginamit mo"-Princess
"Wala nga sakin e. Andyan lang yan, hanapin mo lang"-Beauty
Nakikinig lang ako habang nagbabangayan sila.
"Di ko nga makita. Tulungan mo naman ako" sabi ni Princess habang palinga linga. Napadapo yong tingin nya sakin kaya nagulat sya ng makita ako.
Biglang lumipad yong hawak nyang tela sa mukha ko.
"K-kanina kapa ba dyan?" Gulat nyang sabi.
"Yeah!" Sabi ko at tinanggal yung tela na nakatakip sa maamong mukha ko.
Pero agad akong natulala ng maaninag ko ng malapitan yung telang hawak hawak ko ngayon.
P-p-p-p-panty?
Mabilis naman syang tumakbo para agawin yung p-panty na hawak ko pero nadulas sya.
Natapon ko ng di sa oras yung p-panty na hawak ko kay Beauty at agad sinalo si Princess pero dahil may pagkachubby ito, napasama akong bumagsak.
Ouch!
Natagpuan ko ang sarili kung nakahiga sa labas ng kwarto nila habang naka patong sya sakin.
Bumulong ako sa kanya.
"Okay lang kahit di kana magsuot ng bra, ayos lang yun kasi wala naman sa suot yun dahil alam ko namang maganda ka" sabi ko.
The heck!
What did I just said?
Nakita kung namula yung pisngi nya. Ang ganda talaga!
Nagkatitigan kami dahil halos magkalapit lang yung mga mukha namin. Di parin sya umaalis sa pagkakapatong sakin.
Bumilis yung pintig ng puso ko, sigurado ako na kahit sya ramdam na ramdam din nya yung bilis ng tibok nito.
Nung unang kita ko palang kasi sa kanya parang hindi na maalis ang tingin ko. Di ko lang sinabi dahil panigurado tutuksuhin ako ng mga ugok na to.
Parang nag sloslow motion yung-
"Hanggang kailan kayo hihiga dyan?"-James
WTF!
Napabalikwas ako ng higa at agad tumayo. Inalalayan ko din syang tumayo.
"Rated SPG, wag mong panoorin"-Klint
Nakita kong nakatakip ang dalawang kamay ni Klint sa mata ni Suzzy. Nakayakap sa braso ni Klint si Hanna habang nakatingin ng masama si Pinky dun sa dalawa.
BINABASA MO ANG
I Woke Up On Zombie Land
De TodoPaano kung nagising kayo ng mga BARKADA mo sa isang lugar na napakaraming mga ZOMBIE. Anong gagawin nyo? Kami? Ewan ko.