Chapter 13: I'll Save You Even if it Cost My Life

115 8 1
                                    

Klint POV

Kaagad kung hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Suzzy ng makita kung pinasok na kami ng mga zombie. Hinanap ko si Pinky dahil kanina ko pa sya hindi makita. Kinakabahan ako na baka may mangyaring masama sa kanya. Ang dami ng zombie na nakapasok sa loob ng bahay, nakita kung pinagbabaril ng mga kasama ko yung mga zombie habang pinuprotektahan yung mga babae. Nandon sina James, Juan at Joven. Pinuprotektahan ni Joven si Quency habang si Juan naman kay Princess. Si Beauty tumutulong sa pagbabaril sa mga zombie habang katabi nya si James. Si Hanna nandun din.

Asan kana ba Pinky?

Habang naglalakad ako para hanapin si Pinky ay nagulat ako ng may nasalubong akong dalawang zombie, napasigaw si Suzzy ng makita ito kaya agad kung binaril yung dalawang zombie hanggang sa magbagsakan ang mga to.

Shit! Paano napunta ang mga to dito?

Tangina!

May nagbukas ng pinto sa likod kaya dun dumaan yung mga zombie para makapasok sa loob.

Mabilis akong tumakbo at sinipa yung pinto para maisara. Malakas na ingay ang bumalot sa loob ng bahay dahil sa lakas ng impact ng pagsara nito.

Galit na ko!

Binabaril ko lang ang mga zombie na masalubong ko habang pinuprotektahan si Suzzy.

Kilangan kung mahanap si Pinky.

Hinaloghog ko ang buong bahay para hanapin sya hanggang sa may narinig ako na isang sigaw.

Dali dali kaming tumakbo papunta sa kinaroroonan ng sigaw.

Nakita ko si Pinky na nakaupo sa isang sulok habang nilalapitan sya ng isang zombie. Mga anim na hakbang lang ang layo.

Binitawan ko muna si Suzzy at sinabihang mag stay sa kinatatayuan nya dahil wala namang zombie.

Binaril ko yung zombie pero walang balang lumabas sa baril ko. Tangina wala nakong bala.

Isa lang ang nasa isip ko ngayon. Yun ay ang iligtas ang babaeng ito.

Tumakbo ako ng mabilis at binangga ang katawan ko sa katawan ng zombie para pabagsakin ito.

Tumilapon kaming dalawa.

Pinilit kung tumayo para sana lapitan yung zombie pero nagulat ako ng bigla nya akong sunggaban.

Nakapatong na sya sakin ngayon.

Sinasangga ko ang ulo nito gamit ang dalawa kung kamay para pigilan syang kagatin ako.

Naaagnas ang balat ng ulo nito habang mahigpit kung hinahawan yung ulo na.

Nadudulas na yung kamay ko.

Shit!

Malapit ko ng mabitawan yung ulo nya kaya di ko agad malaman kung ano ang gagawin ko.

Nang mabitawan ko na yung ulo nya dahil na tanggal yung balat na hinahawakan ko ay akmang kakagatin na nya yung leeg ko.

Mabilis kung pinangsangga ang hawak kung baril na wala ng bala, kaya imbis na yung leeg ko ang dapat makagat, yung baril yung nakagat nya.

Nagsipaglaglagan yung ngipin nito sa katawan ko dahil sa lakas ng pagkaka-kagat nya. Para syang asong gutom na gutom na nakakita ng pagkain.

Rinig na rinig ko ang sigaw ni Suzzy habang nakatayo at pinapanood ako.

Buong lakas kung tinulak ang zombie para umalis sa pagkakapatong sakin.

Agad akong tumayo at pinagtatadyakan ang zombie sa ulo.

I Woke Up On Zombie LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon