Klint POV
Maraming mga zombie ang humahabol sa kanila pero medyo malayo layo pa. Nilagpasan lang kami ng mga taong nakita naming tumatakbo at nagtaka ako dahil nakisabay na rin si Joven sa pagtakbo kasama sa mga yun.
"Hoy teka saan ka pupunta?" Sigaw ko.
Agad naman syang napatigil saka tumakbo pabalik.
"E lelead sana sila kung saan pupunta"-Joven
E lelead daw tapos sya yung nahuhuli. Galing!
Agad naming pinagbabaril ang mga zombie na lumalapit samin. Nagsipagbagsakan naman ang mga yun.
Napansin kung tumigil sa pagtakbo ang mga taong nakita namin at napatingin sila samin.
First time siguro makakita ng gwapo.
Di ko mabilang ang dami ng mga zombie na nakahandusay ngayun sa kalsada.
Agad nagsilapitan ang mga tao- survivor nalang itawag ko sa kanila. Ang weird kasi kung tao yung itawag ko. Alam kong gwapo ako pero di ako ibang uri ng chucochuchu, tao din kasi ako.
Nagulat ako ng may isang babaeng biglang yumakap sakin.
Mukhang gulat rin yung reaksyon nilang lahat. Di talaga to maiiwasan. Di ko naman maitatangging habulin talaga ako ng mga babae.Agad akong kumalas sa pagkakayakap nya at saka nagtanong.
"Who you?" Tanong ko.
"Di mo nako naaalala?" Sagot nito habang naka pout.
Nakikinig lang yung iba samin.
"M-mommy?" Kunwari gulat kung sabi.
"Haha baliw! Ako yung babaeng katabi mong matulog nung nagsimula tung apocalypse at saka bakit mo nga pala ako iniwan?" Sagot nito.
"Logic ba yan?" Tanong ko ulet. Ayaw pa sabihin yung pangalan eh.
Naalala ko na nga sya. Sya yung babaeng katabi ko Bago mag simula tung Apocalypse.
Ay parang inulit ko lang yung mga sinabi nya.
"Ako si Hanna"-Hanna
(A/N- nakita ko kasi yong brand ng electric fan naming HANABISHI habang sinusulat ko to kaya dyan ko kinuha yung pangalang Hanna. Good job electric fan!)
"Sumama kayo samin" utos ko dun sa mga survivor.
"Bakit?" Tanong ng isa sa kanila. Sya yung medyo pamilyar sakin.
"Sa presinto nalang kayo magpaliwanag" sabi ni Joven na nagpapanggap na pulis.
Nagsipagsunuran din yung mga survivor samin.
Maayos naman kaming nakarating sa bahay habang nakayakap parin si Hanna sa braso ko.
"Hay salamat naman at ligtas kayo" masayang sabi ni Princess. Nakita kung pa simple syang tumingin kay Juan. Teka, teka. May kakaiba yata akong nasesense dito ah.
"Suzzy? Salamat naman at buhay ka. Bat kasi humiwalay ka samin?" Tanong ng isa sa mga survivor.
"May tumulak kasi sakin kaya natumba ako dun at saka naiwan"-Suzzy
Abat gago pala yun eh!
"Sino?" Agad kong tanong.
"Di ko po nakita e, pasensya na po"-Suzzy
Agad kung nilingon yung mga survivor sa likuran ko at tiningnan ng masama. May gago pala dito eh. Kung di pala kami agad dumating dun malamang zombie na ngayun tong cute na batang to.
BINABASA MO ANG
I Woke Up On Zombie Land
AcakPaano kung nagising kayo ng mga BARKADA mo sa isang lugar na napakaraming mga ZOMBIE. Anong gagawin nyo? Kami? Ewan ko.