Chapter 9: Little Girl

109 9 0
                                    

Joven POV

Ako yung nagsisilbing astig na taga ilaw habang naglalakad kami para bumaba at kumuha ng kandila ng marinig kung sumigaw si James.

"Kyaaaaaaaaaaaaa!" Sigaw ni James.

Napalingon kaming lahat.

"Ano yun?" Tanong ni Klint.

"May nakita akong nakakatakot sa gilid ko. Ilawan mo Joven dali." Utos ni James sakin. Nakita kung may tinuturo sya.

Nang itapat ko na yung ilaw sa tinuturo nya saka lang namin nalaman na salamin lang pala.

"Hahahaha! Tangina pre! Ikaw lang pala yung tumakot sa sarili mo e" sabi ko.

"Hahaha! Takot ka na rin pala sa pagmumukha mo"-Klint

Natatawa na rin yung mga babae naming kasama.

"Hindi ah! Natakot lang ako dahil akala ko may mas gwapo pa sakin. Ako lang din pala" sabi ni James habang nag aayos ng buhok sa harap ng salamin.

"Baba na tayo" sabi ni Klint kaya nagsimula na ulet kaming maglakad.

Nakahanap na kami ng kandila kaya agad namin itong sinindihan at pinatong sa mesa. Umupo kaming walo sa upuan na nakaikot sa mesa.

Nag uusap kami tungkol dun sa news na nabasa namin.

"Anong ibig sabihin nung 'zombie can be controlled through a re-' na naputol? Nacocontrol pala yung zombie?" Nagtatakang tanong ni Pinky.

"Ewan, nagtataka nga rin ako eh."-Klint

"Can be controlled through a re~ uhmm relasyon?"-James

"Ulol! Anong konek nung relasyon sa zombie?" Sabi ko.

"Ikaw ano sa tingin mo?"-James

"Rehas seguro. Kukulungin sila sa rehas para maging controlado." Sabi ko.

"Baka relo? Oo tama relo, nacocontrol sila ng oras. Nalalagas yung katawan nila dahil sa daloy ng oras. Galing ko talaga."-James

"Di naman matino yung pinagsasabi mo. Pangpagulo ka lang eh. Relasyon? Oras? Haha kalokohan!" Pang aasar ko.

"Sayo nga rehas eh. Kalokohan!"-James

"Umayos nga kayo, English yun! Nalilito na yung mga babae sa inyo."-Klint

Ay tama! English nga pala yun.

"Baka relation o di kaya relationship."-James

"Hahaha! Sige ipaglaban mo pa." Sabi ko.

"Remote?" Narinig kong sabi ni Juan. Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Hahaha! Ano sa tingin mo yung zombie, TV?"-James

"TV lang ba macocontrol ng remote? Pwede din sa DVD player, electric fan, air conditioner at etc. Yung katangahan mo wala bang remote? Pagawa ka para naman minsan pwede nating macontrol yan"-Juan

"Haha nice one pre" dagdag ko para pang gulo.

Tinigil nalang namin yung pag uusap sa nabasa naming news dahil di naman matino yung pinagsasabi ni James.

Pumunta nalang kami sa kanya kanya naming kwarto at natulog. Nagdala kami ng mga kandila.

-----------

8am na ng umaga at kakatapos lang namin kumain. Nandito kami ngayun sa sala at naglalaro ng chess. Si Klint at James ang magkalaban.

"James ikaw na yung tumira"-Klint

"Sige titirahin ko yang reyna mo gamit ang ano ko at kakainin ko sya hanggang sa masarapan tong ano ko"-James

"Yung ano mo?"-Klint

I Woke Up On Zombie LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon