Chapter 5: Spinner

159 11 2
                                    

Joven POV

"Tae ka James"-Klint

Tumatakbo kami ngayun dahil sa palpak na James nato.

"Sumunod kayo sakin, dun tayo" utos ni Klint sabay turo sa isang pinto. Sumunod nalang kami.

Pagpasok namin sa loob agad naming sinara ang pinto nito. Naghahabol kami ng hininga at naupo. Di na kami nakita or let say narinig ng mga zombie. Napansin ko sa kart na tinutulak ko kanina na pinaglagyan ng pagkain, may chocolate dun. Teka bat meron nito dito?. At Ang dami pa.

Potek na James to. Kung ano ano ang kinuha, patay to kay klint mamaya. Im looking forward for it.

Andito pala kami sa part ng mga cellphone. Saktong sakto kukuha pala kami nito. Sayang yung WiFi kung si Klint lang makikinabang.

"Guys kumuha na kayo ng mga gusto nyong cellphone"-Klint

"Yes!"-James

"Cool!" Sabi ko dahil sa dami ng cp na pagpipilian.

"Ito yung sakin, OPPO na may design ng kinagat na apple sa likod nito"-James

Teka meron ba nun?

"Hoy walang ganun" sabi ko habang pumipili ng cp.

"Meron"-James

"Huh?"sabi ko.

"Ito oh OPPLE" sabi ni James na pinagdikit ang OPPO at APPLE na cp.

OK? Malala na to. Kaya pala walang epekto yung kagat ng zombie sa kanya kasi sira na yung utak nya kaya di makayang hawaan ng virus. Ibato ba naman yung granada na hindi tinanggalan ng pin. Cool!

"Pagkatapos nyong mamili ng cp bayaran nyo, di joke lang. Mag iisip tayo kung paano lalabas ng ligtas dito. Nandun yung car sa labas ng mall"-Klint

"Alam ko n-" magsasalita pa sana si James kaso pinigilan namin.

"Tutol kami!" sabay naming sinabi. Sabay sabay talaga.

"Wala pa nga akong sinabi eh, Ang oa nyo"-James

"Iibahin ko, kami nalang pala mag iisip ng plano, James mag bantay ka nalang kung may zombie."-Klint

"Alam ko na! Pagbabarilin natin sila gamit Ang laruang baril" sabi ko para asarin si James.

"Or sumugod sa mga zombie gamit Ang baril na walang bala"-Klint

Nakita kung tumaas Ang sulok ng labi ni Juan. Ngumiti ata. Ayan na! May sasabihin tung ugok na to. Rare to kasi minsan lang mang aasar yan.

"Di kaya batuhin natin ng granadang di tinanggalan ng pin Ang mga zombie tapos tumakbo ng mabilis hanggang sa mapagod"- Juan

"Pwede rin, tapos~ uhmm James Ano pa nga yung ibang kapalpakan mo? Ah magpakagat sa zombieng walang ngipin sabay english."-Klint

Whahahaha!

Kawawang James.

"Grabi naman kayo. Hahaha. Magkunwari kaya tayong zombie hahahaha pocha laughtrip tangina" sabi ko.

Natawa kaming tatlo pwera Kay James na matalim na nakatingin samin ngayun. Saka nagsalita ng pinakaayaw kong maalala't marinig.

"Ibato natin yung spinner sa bubong"-James

Naputol yung tawanan namin at napalitan ng matalim na tingin ni Klint sakin. Bwesit na James to, bumabawi.

Sumipol sipol nalang ako kahit Hindi ako marunong.

Nagulat kami ng may biglang nabasag. Pag tingin namin, may mga zombieng pumasok. WTF.

"Shit! Maghanda kayo."utos ni Klint samin.

I Woke Up On Zombie LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon